“SINO ang nagsabi sa’yo ng pinagtatrabahuhan ko, Papa?’’ tanong ni Aya kay Doc Paolo.
“Si Sam,’’ sagot ng doctor.
Nagulat si Aya. Hindi kaya sinabi ni Sam ang lahat tungkol kay Tita Sophia. Sinabi kaya ni Sam na siya ay sa bahay ni Tita Sophia nakatira.
“Paano mo nakontak si Sam, Papa?â€
“Mayroon akong number niya. Sinubukan kong tawagan at sumagot. La-king pasalamat ko nga dahil kayo pa rin pala ni Sam. Natutuwa rin ako na isa na siyang doctor. Topnotcher raw siya sa nakaraang medical exam.â€
“Ano pa ang sinabi ni Sam sa’yo?â€
“Yun lang. Pagkatapos ay sinabi na niya kung saan kita matatagpuan.’’
Nakahinga nang maluwag si Aya. Mabuti at walang sinabi si Sam ukol kay Tita Sophia.
“Bakit meron pa ba akong dapat malaman, Aya?â€
“A e wala naman po, Papa. Naitanong ko lang po.’’
“Akala ko magpapa-kasal na kayo ni Sam.â€
“Balak na nga po namin, Papa.’’
“Talaga, kailan?â€
“Next month na po.â€
Napatungo si Doc Paolo. Halatang nalungkot.
“Bakit Papa. Hindi ka natutuwa at ikakasal na kami ni Sam?â€
Inangat ni Doc Paolo ang mukha at tumingin kay Aya.
“Nahihiya kasi ako, Aya. Alam ko hindi ako kasama sa plano n’yo. Puwede ba kasama ako, anak? Gusto ko, ako ang maghatid sa’yo sa altar.’’
Biglang hinagilap ni Aya ang kamay ng ama. Pinisil.
“Oo naman Papa. Si-yempre kasama ka na. Puwede pa namang baguhin ang nasa invitation. Hindi pa namin, naidi-disribute. Tamang-tama ang pagda-ting mo Papa.’’
“Salamat anak. Sabihin mo sa akin kung ano ang maitutulong ko. May naipon din naman ako kahit na paano habang nasa US. Sabihin mo lang Aya.’’
“Papa, marami kaming pera ni Sam. Alam mo ba na malaking pera ang pamana sa amin ni Mama? Hindi nga namin alam kung paano gagastusin. Nakatapos na ng pag-aaral si Sam at ngayon ay isa nang doctor pero halos hindi nagalaw ang pamana sa amin.â€
“Nanalo ba sa lotto ang mama mo?â€
Nagtawa si Aya.
“Hindi. Nakapag-ipon lang siya nang marami noon. Wala siyang tigil sa pag-iipon dahil ang kinabukasan namin ni Sam ang inaalala niya. Anak na rin kasi ang turing ni Mama kay Sam. Si Sam po kasi ay nakinabang sa gatas ni Mama noong baby pa siya. Namatay po kasi sa panganaganak ang mama ni Sam. Para mabuhay, pinasuso ni Mama si Sam…’’
Napatango si Doc Paolo.
“Mga lolo at lola po ni Sam ang nagpalaki sa kanya.’’
“Ah, oo, naalala ko na. Ikinuwento yan sa akin ni Sam noon.’’
Natahimik sila.
Maya-maya nagpasya si Aya na ipagtapat na ang tungkol kay Tita Sophia.
“Papa, may ipagtatapat po ako sa’yo tungkol sa dati mong asawa --- kay Tita Sophia.â€
Nagulat si Doc Paolo.
“Ano ang tungkol kay Sophia?â€
(Itutuloy)