^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (414)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAGPAPAKASAL na po kami ni Aya, Tita. Iyan po ang pangako ko sa kanya. Preparado na po kami,” sabi ni Sam.

“Sige, ituloy n’yo na. Kailan ba?’’

“Next month na po, Tita,’’ si Aya ang sumagot.

“Okey. Tamang-tama.’’

“Inggit na inggit na po kasi si Aya sa kaibigan naming ikinasal at ngayon ay buntis na.’’

“Oo. Nasa tamang edad na kayo kaya da-pat lang ay magpaka-sal na. Gusto ko na ring makita ang aking apo.’’

“Huwag kang ma­inip, Tita. Malapit nang matupad ang wish mo,’’ sabi ni Sam.

“Ngayong doctor ka na Sam, naniniwala akong kayang-kaya mong gampanan ang tungkulin na ibibigay ko sa’yo. Malaki ang tiwala ko sa’yo. Yung father ko na nagtatag ng ospital ay may pangarap na umunlad at lumaki ang ospital. At alam ko, sa pamamagitan mo ay matutupad ang panga­rap ng aking ama. Ako at ang dati kong asawa na si Dr. Paolo ang inaasahan niya, pero hindi nagkaroon ng katuparan. Ako, inaamin ko, hindi ko kaya. Iba ang pamumuno ng lalaki kaysa babae. Mas matatag ang lalaki. At ikaw ang napili kong magtutuloy nang hindi natapos ni Daddy…’’

“Gagawin ko Tita. Hindi ka mabibigo.’’

“Salamat, Sam. Hulog kayong dalawa ni Aya sa akin. Pinaligaya n’yo ako.’’

Masayang-masaya si Sam at Aya.

Isang araw na ini­ikot ni Sam ang kabuuan ng ospital, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang mamumuno sa ospital na ito. Hindi niya akalain na maaabot niya ang mataas na posisyon. Hindi niya bibiguin si Tita Sophia sa pagtitiwala nito. (Itutuloy)

AYA

DR. PAOLO

GAGAWIN

HULOG

HUWAG

INGGIT

TITA

TITA SOPHIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with