^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (413)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT mo naman naisipang itanong kung tatanggapin ko ang papa mo sakali’t magbalik siya?” tanong ni Dra. Sophia.

“Naitanong ko lang Tita.’’

“Mahirap sagutin, Aya. Pero hindi ako magsa­sa­lita nang tapos. Maaaring tanggapin ko at maaaring hindi. Tao lang naman ako na maaaring magbago ang naunang sinabi.’’

“Napakabait at napaka­talino mo Tita. Wala na sigurong hihigit sa iyo.’’

“Basta sa ngayon, maligaya ako at kasama ko ikaw. At least, kahit na iniwan ako ng papa mo, narito ka naman. Kaya nga paulit-ulit kong sinasabi sa’yo na maligaya ako na narito ka at kasama ko.’’

“Ako man Tita. Uulit-ulitin ko rin na maligaya ako dahil nagkaroon ako ng ikalawang ina. Pa­ngako, Tita, ang mga pagkukulang na ginawa sa iyo ni Papa ay ako na ang magpupuno. Mamahalin kita at pagsisilbihan.’’

“Salamat, Aya.’’

“Siyanga pala Tita, wala ka bang mga pamangkin o mga kamag-anak. Kasi wala akong nakikitang dumadalaw sa’yo.”

“Nag-iisa akong anak, Aya. May mga kamag-anak ako pero nasa US na sila at Canada. Mas magaganda ang buhay nila. Bihirang umuwi. Ngayon ko naiisip ang isang advantage kung maraming magkakapatid. Kung nag-iisa na katulad ko, malungkot. Walang mapagsabihan ng problema.’’

“Oo nga po Tita.’’

“Kaya ang payo ko, kapag naging mag-asawa na kayo ni Sam, mag-anak kayo ng apat. Tama ang daming yun.’’

“Yan po ang gagawin namin Tita. Bibigyan ka namin ng mga apo.’’
Napangiti si Doktora.

Maya-maya nagsalita uli si Aya.

“Ngayon ko po naisip na napaka-suwerte pala ni Papa na napangasawa ka pero pinakawalan lamang niya.’’

Napabuntunghininga si Doktora.

“Kasi nga ay hindi ko siya mabigyan ng anak. Ako ang may deperensiya.’’

“Pero sapat ba iyon para ka iwan?”

“Well, iyon ang gusto niya kaya hinayaan ko na. Hindi ko na ipinilit ang sarili ko. Bakit ko naman ipagsisiksikan kung ayaw na niya sa akin.’’

“Alam mo Tita, nang una kong marinig kay Sam ang ginawa sa’yo ni Papa, nagalit ako. Kasi nga’y alam kong napakabuti at napakabait mo. Ang ka­tulad mo ay hindi sinasaktan ang damdamin.’’

Napangiti si Doktora.

“Kaya pupunan ko ang mga pagkukulang ni Papa. Mamahalin kita Tita.’’
“Salamat uli, Aya.’’

 

ISANG taon ang naka­lipas, lumabas ang me­dical board exam. Top­notcher si Sam!

Tuwang-tuwa siya ganundin si Aya at Doktora Sophia.

“Sabi ko na nga ba’t ikaw ang magta-top, Sam! Ang galing mo!”

“Doktor  ka na Sam!” sabi ni Doktora. “Congrats! Ikaw na ang magma-manage ng ospital”

(Itutuloy)

 

AKO

AYA

DOKTORA

DOKTORA SOPHIA

KASI

KAYA

MAMAHALIN

SHY

TITA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with