Halimuyak ni Aya (388)

‘TALAGA bang me­ron ka Jules o ginu-goodtime mo lang ako?’’ sabi ni George na may halong inis.

‘‘Totoo George. Gusto mo kapain mo pa. Hindi kita ginu-goodtime.’’

“Kasi kung kailan ako maniningil ay saka naman nagkaroon. Parang suma­bay pa kung kailan ako atat.’’

‘‘Kung puwede ko nga bang sabihin dito sa ‘minonay’ ko na huwag munang magkaroon e di ginawa ko na.’’

“So gaano katagal na meron ’yang ‘minonay’ mo?’’

“One week nga. After one week iti-text kita. Punta ka na rito at magbabayaran na tayo. Pati yung bonus, ibibigay ko na para wala kang reklamo.’’

“Pati 13th month pay ibigay mo na rin, kasi talagang ginawa ko nang ayos ang trabaho. Kita mo nga’t kahit hindi pa deadline e dinala ko na rito.’’

“Oo sige lahat nang bonus ay ibibigay ko. Masisiyahan  ka sa gagawin ko, he-he!’’

“Ano Jules?’’

‘‘Basta masisiyahan ka. Hindi mo ako malilimutan. Hahanap-hanapin mo ako, he-he!’’

“Ah alam ko na ang gagawin mo, he-he!’’

“Ano naman?’’

Tiningnan ni George ang mga labi ni Julia.

‘‘Bakit nakatingin ka sa lips ko?’’

“Tinitingnan ko kung magkakasya, he-he! Pero palagay ko naman kasya.’’

“Hoy bad ka!’’

Napangisi si George.

“Ano George, next week na lang ang ba­yad ha. Kasi’y hindi talaga puwede ngayon.’’

“E ano pa bang magagawa ko.’’

“Basta mayroon akong gagawin na hindi mo malilimutan, George.’’

“Sige. Iti-text kita, Jules.’’

‘‘Teka nga pala George, ano ang balak mong gawin kay Aya ngayong siyota mo na siya?’’

“Ano ba ang ginagawa ng bubuyog sa bulaklak na may nectar­?’’

“Naks naman matalinghaga ka pa. Ano nga?’’

“Di ba sinisipsip? Ganun ang gagawin ko sa karibal mo.’’

“Okey ka George?’’

“Pero bago ko sipsipin ang iyong kari­bal, gusto ko e ikaw muna, Jules…kasi ma­tagal na akong atat sa iyo.’’

‘‘Oo bah! Pero bakit hindi mo muna siya pagpraktisan?’’

‘‘Matagal na akong praktisado Jules. At gusto ko ikaw ang unang maka-taste ng mga pinaghirapan ko.’’

“Oo sige. Basta i-text kita. Huwag kang mainip’’

“Sige Jules, a­alis na ako, may date kami ni Aya.’’

“Sige George, mag-enjoy ka. Si­yanga pala, naipasa mo na ba ang mga photo sa phone ko sa email ko.’’

‘‘Oo. Kanina pa.’’

‘‘Sige George. Bye.’’

Nang humakbang palabas si George ay may iniisip si Julia. Babu, George, hindi mo na ako makikita!

(Itutuloy)

Show comments