^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (381)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘PUWEDE ba sa makalawa ko dalhin ang photo namin ni Aya? Bukas kasi ay mayroon akong gagawin sa kanya,’’ sabi ni George na inartehan pa ang boses para maging totoo ang sinasabi.

“Talaga? Anong gagawin mo kay Aya, George?’’ Excited si Julia.

“Saka mo na malalaman, Julia. Basta matutuwa ka, he-he-he!’’

“Sige, sige, sa makalawa o maski after one week mo na ibigay sa akin ang picture n’yo ni Aya para maisagawa mo nang maayos ang trabaho mo.’’

“Okey! Basta ma­sisiyahan ka sa ga­gawin ko sa karibal mong si Aya, he-he!’’

“Rereypin mo ba? Baka masabit ako ha?’’

“Ako na lang ang nakakaalam nu’n Julia. At hindi kita isasabit. Kapag nagtrabaho ako, hindi ko ugaling magsabit.’’

“Wow, bilib na talaga ako sa’yo, George! Hayaan mo at may bonus pang kasama ang ibabayad ko sa’yo.’’

“Totoo yan Jules ha?’’

“George, kapag nagsalita ako, tinutupad ko. Meron akong isang salita.’’

“Sige Jules, aalis na ako, makikipagkita pa ako sa karibal mo, he-he!’’

Natapos ang usapan nila.

Nakangiti naman si Julia. Paniwalang-paniwala si George na ibibigay nga niya ang bayad at may bonus pa. Hindi siya boba! Hindi siya tutupad.

Si George naman ay desididong hanapin si Sam. Kapag nakita niya, ipagtatapat niya ang masamang balak ni Julia.

Kinabukasan din, natagpuan niya ang review center na pinapasukan ni Sam. Nagrerebyu pala ito sa nalalapit na doctor’s board exam.

Aabangan niya paglabas at magpapakilala.

(Itutuloy)

vuukle comment

AABANGAN

AKO

ANONG

AYA

BUKAS

JULIA

KAPAG

SI GEORGE

SIGE JULES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with