Halimuyak ni Aya (367)

NAALALA ni Julia na nagre-review na si Sam para sa Board Exam. Nang magkita sila ay galing si Sam sa pagre-review. Tiyak na malapit lang sa kinainan nilang restaurant sa Morayta ang review center na pinag-rerebyuhan ni Sam. Madali lang hanapin yun. Tiyak na makikita siya ni Sam at muli silang magkakasama.

Madali lang palang artehan si Sam. Hindi naman talaga siya nahihilo nang magkita sila ni Sam. Gusto niya ay maihatid siya ni Sam sa condo at ganun nga ang nangyari. Ang akala ni Sam ay talagang nahihilo siya. Mahusay pala siyang umarte dahil alalang-alala si Sam. Lalo tuloy siyang na-challenge. Kaya nang pumasok ito sa kuwarto, lalo pa niyang pinagbuti ang pag-arte. Nakita niya na takam na takam si Sam habang nakahiga siya sa kama na naka-panty at bra, ha-ha-ha! Akala yata ni Sam ay tulog siya! Hindi alam, tulug-tulugan lang! Mas lalo sigurong natakam si Sam kung wala siyang saplot. Sana, inalis na lang niya ang bra at panty, ha-ha-ha!

Pero nakita niyang malakas din ang pagpipigil ni Sam sa sarili at hindi siya  nagawang angkinin kahit na mayroong pagkakataon at walang pipigil. Siguro ay dahil naalala ang kanyang si Aya! Buwisit na babaing iyon! Kahit kailan, si Aya ang kontrabida sa kanyang buhay. Noong nasa high school pa sila ni Sam, laging nagbabakasyon si Aya sa probinsiya at sila ni Sam ang magkasama. Noon pa ay talagang malapit na si Sam sa babaing iyon. At hanggang ngayon, siya pa rin ang “apple of the eye” ni Sam. Buwisit talaga!

Muntik nang may mangyari sa kanila ni Sam kung walang tumawag. Nabitin tuloy siya. Bitin na bitin. Ang sarap pa namang hu-malik ng lalaking iyon! Tangay na tangay siya! Napakabango ni Sam! Lalo siyang nagayuma ng lalaking iyon.

Hindi kaya si Aya ang tumawag kay  Sam? Posible iyon. Pi­nauuwi na siya. Pero may narinig naman siyang “doktora” kay Sam habang nakiki-pag-usap sa iPhone ito. Parang takot si Sam. Panay ang sabi ng “po” at “opo” sa kausap.

Nag-isip si Julia ng mga gagawin. Gusto niyang may mangyari sa kanila ni Sam. Hindi siya titigil hangga’t hindi nangyayari ang gusto niya. Sisirain niya ang relasyon nina Sam at Aya. Sa kanya mapupunta si Sam. Iyon ang gagawin niya! Gagawin niya ang lahat para sila ni Sam ang ma-ging mag-asawa, ha-ha-ha!

(Itutuloy)

 

Show comments