Halimuyak ni Aya (321)
“GUSTO kong dalawin ang libingan ng mama mo Sam. Paano ba ako makakarating sa kinalilibiÂngan niya? Kahit man lang sa pagdalaw sa libingan niya ay maÂipabatid ko na hindi ko siya nalilimutan,†sabi ni Tita Imelda.
“Ibibigay ko po ang cell number ko at address ko sa Manila. Tawagan mo po ako Tita kapag pupuntahan ako. Sasamahan ko po ikaw sa libingan ni Mama sa probinsiya.’’
“Salamat Sam.’’
“Hindi na po ako magtatagal. Lagi ko ikaw dadalawin dito. Magkakaroon pa po kami ng medical mission at isa-suggest ko, gawin naman dito sa barangay mo.’’
“Salamat Sam. Sana kapag doctor ka na, hindi mo ako malimutan.’’
“Hindi ko malilimutan ang kaibigan ng aking ina. Tinatanaw ko pong maÂlaking utang na loob na pinayuhan mo si Mama noong panahong pinagbubuntis ako. Napakalaki pong bagay na napayuhan mo siya kung paano makakauwi sa ating bansa noon. Kung walang nagplano para siya makatakas sa amo niya, baka wala ako ngayon. Baka dahil sa sobrang hirap na dinanas ni Mama ay nalaglag ako. O baka sa Riyadh pa lamang ay namatay na si Mama at wala rin ako. Salamat, Tita Imelda, hindi kita malilimutan.’’
“Noon pa, may maÂlasakit na ako sa mga babaing nabuntis na walang ama. Malaki rin ang malasakit ko sa mga sanggol. Kaya dito sa barangay ko, prayoridad ko ang mga sanggol. Naipagmamalaki ko na dito sa aming barangay ay malulusog ang mga sanggol. Lagi kong biÂnibigyan ng payo ang mga kababaihan na ingaÂtan at alagaan ang sanggol at mga bata.’’
“May itatanong lamang ako, Tita?â€
“Ano yun Sam?â€
“Meron ka pong asawa?â€
“Wala. Matandang dalaga.â€
“Bakit po? Sorry po kung mausisa ako.’’
“Hindi na ako umibig mula nang mamatay ang aking nobyo. Tama na ang mga naranasan ko…’’
Napangiti si Sam.
“Dalawa kasi ang naging nobyo ko. Yung una, akala ko, kami na. Pero nakabuntis. Sabi niya, hindi naman daw niya gusto ang nabuntis. Ako raw ang gusto niya. Sabi ko, kung mahal niya ako, hindi siya gagalaw ng ibang babae. Sabi ko, umalis na siya sa harapan ko. Ang sama ng loob ko. Hindi pa ako nagsa-Saudi ng mangyari iyon. Yung ikalawang boyfriend ko, nakilala ko sa Riyadh. Drayber siya ng ten-wheeler. Mahal na mahal ako. Mahal na mahal ko rin siya. Talagang nagplano na kaming magpakasal. May naipon na siya para gamitin sa kasal namin. Pero siÂguro, wala akong suwerte na makapag-asawa. NaÂaksiÂdente ang boyfriend ko. Nasa biyahe siya patungong Dammam nang sumabog ang goma ng truck na minamaneho at nawalan ng control sa manibela. Sumalpok sa isang gasolinahan. Nasunog ang aking boyfriend...’’
Tumigil si Tita Imelda sa pagsasalita. Nangilid ang luha.
Maya-maya, nagpatuloy ito sa pagsasalita.
“Sa katagalan, natanggap ko rin ang nangyari. Hanggang maipangako ko sa sarili na hindi na muÂling iibig. Itutuon ko na lang paghahanapbuhay at pagtulong sa mga pamangkin ko. Ay nang umuwi ako rito sa Pinas, naisip ko maglingkod sa mga kabarangay. Maligaya ako. Okey na sa akin ang ganito.’’
Humanga si Sam kay Tita Imelda. Bihira rin ang ganitong babae.
Nagpaalam na si Sam kay Tita Imelda. Inulit niya ang paÂngakong babalik para dalawin si Tita Imelda.
(Itutuloy)
- Latest