Halimuyak ni Aya (242)
HINDI nagulat ang ate ni Julia nang makita si Sam. Nakangiti pa ito nang makita si Sam.
“O Sam narito ka pala,†sabi ng ate.
“Mabuti nga at may kasama ako habang wala kayo Ate,†sabi ni Julia. “Ba’t ang bilis n’yo naman Ate?â€
“E paano itong pamangkin mo nagyaya na. Kakaasar nga, ma-ganda pa naman ang pe likula.’’
Tumayo si Sam. TumiÂngin kay Julia.
“Ate uuwi na raw si Sam.â€
“O ba’t uuwi ka na?’’
“Baka po gabihin akong masyado.’’
“Dito ka na matulog Sam. Para naman may lalaki rito. Kakatakot din sa gabi.’’
“Sa bahay na lang po. At saka mayroon pa akong exam bukas, magrerebyu pa po ako.’’
“Ano bang year mo na?â€
“Fourth year po.â€
“Anong course mo?â€
Si Julia ang sumagot.
“BS Biology yan Ate. Magdodoktor yan.’’
Ganun ba? Naku e di lalo nang ang daming magka-kagusto sa’yo. Napaka- pogi mong doctor. Mara-ming magpapalahi sa’yo he-he-he!â€
“Isa na ako,†sabi ni Julia at humagikgik.
Kumilos si Sam. Hahakbang patungong pinto.
“O talagang ayaw mong matulog dito?†tanong uli ng ate.
“Sa bahay na lang po.â€
“Sige ingat ka diyan sa may kanto at baka ka makursunadahan. Galit sa guwapo ang mga pangit na tambay d’yan.’’
“Opo salamat po sa paalala.’’
Inihatid ni Julia sa labas.
“Kailan uli tayo magkikita, Sam?†tanong ni Julia nang makalabas sa pintuan.
Bantulot si Sam. “Text kita,†sabi nito na parang wala sa loob.
“Hindi mo naman ginagawa. Saan ba ang tirahan mo?â€
“Sa Dapitan nga.â€
“Ang haba ng Dapitan, saan dun?â€
“Saka ko na lang sa-sabihin. At saka baka hindi ako magtagal dun. Baka lumipat din ako,†pagsisinungaling ni Sam para huwag maging mapilit si Julia.
“Basta text mo ako, Sam.’’
“Oo sige. Aalis na ako.â€
“Teka,†sabi ni Julia at hinalikan si Sam sa labi. “Bye Sam.â€
“Babay, Julia.â€
Umalis na si Sam. Pasado alas diyes na ng gabi. Nagmamadali siya sa paglalakad patungo sa sakayan ng dyip.
Nang dumating sa tirahan sa Dapitan, nagulat siya nang makita si Aya na nakaupo sa hagdan malapit sa pintuan ng apartment.
“Ba’t andiyan ka, Aya?â€
“Nalimutan ko ang aking susi.†(Itutuloy)
- Latest