^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (187)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI nakatiis si Aya nang makitang naka­tingin sa kanila si Tito Janno. Nagsalita ito pero halos pabulong.

“Narito pala ang demonyo, sira na naman ang araw ko!’’

“Ang sama ng tingin sa akin, Aya. Para akong lalamunin. Bakit kaya?’’ Halos pabulong din ang pagsasalita ni Sam.

‘‘Huwag lang siyang magkakamali na magsabi nang masakit at magkakaroon ng world war 3 sa bahay na ito,’’ sabi ni Aya na naging ser­yoso ang mukha habang palapit sa main door na kinaroroonan ni Tito Janno.

Hindi na nagsalita si Sam sapagkat malapit na sila.

Nang eksaktong mag­daan sa harap niya sina Sam at Aya ay itinaas ang bote ng beer at uminom. “Aaaah, sarap!” sabi nang makatungga.

Nang makalampas ang dalawa, saka ito nagsalita. Tinawag si Sam.

‘‘Halika nga !’’ sabi.

Tumigil sina Sam at Aya.

“Bakit po Tito Janno?’’ sagot ni Sam.

‘‘Ikaw ang gumamit ng pang-ahit ko ano? Nawawala sa banyo e, bagumbago pa yun!’’

“Hindi po. Bumibili po ako ng sarili kong pang-shave,’’

“Bakit nawala sa banyo? May multo ba sa banyo?’’

Umiling-umiling si Sam.

“Dalawa lang naman tayong lalaki rito. Sino pa kayang kukuha?’’

“Hindi po ako. May sarili po akong gamit. Maski tingnan n’yo po ang kuwarto ko.’’

“Hindi na! Ano ako loko-loko? Siyempre, itatago mo ba yun dun?’’

Hindi na nakatiis si Aya at sumabog ang pagtitimpi. Ipinagtanggol si Sam.

‘‘Talaga namang merong pang-shave si Sam. Kasama pa nga ako nang bilhin. Huwag mong pagbintangan.’’

‘‘Hindi ikaw ang kinakausap ko.’’

‘‘E totoo namang hindi siya ang kumuha ng pang-shave mo! Porke ba kayong dalawa lang ang lalaki rito e siya na ang kumuha.’’

“Hindi ka titigil? Pun­yeta ka!’’

“Punyeta ka rin!’’

Galit na si Tito Janno. Lalong nagkulay-litson ang mukha dahil sa galit kay Aya.

Akmang lalapit kay Aya pero agad naiharang ni Sam ang katawan. Siya ang itinulak ni Tito Janno. Napasadsad si Sam. Pero nakabawi at akmang susugurin si Tito Janno. Pero nakahanda si Tito Janno at akmang papaluin ng bote ng beer si Sam.

‘‘Putang-ina mo ka, nakikitira ka lang dito ha? Gusto mo basagin ko sa mukha mo ang boteng ito, ha!’’

Lalo nang nagkagulo. Takot na napasigaw si Aya at saka umiyak.

‘‘Mama! Mama! Tulungan mo kami!’’

(Itutuloy)

AYA

BAKIT

HUWAG

JANNO

NANG

PERO

SAM

TITO JANNO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with