Halimuyak ni Aya (163)
NADARAMA ni Aya na totoo ang sinasabi ng kanyang ama. Naniniwala rin siyang mahal nito ang kanyang mama. Hindi lang ito makakilos o makagawa ng hakbang sapagkat takot sa ina nito.
“Takot ako noon, inaamin ko. Palibhasa’y nag-iisa akong anak kaya anumang sabihin ng aking ina o ng iyong lola ay sinusunod ko. Pero kung sinuway ko ang lola mo, baka hindi tayo nagkahiwalay at nasubaybayan ko ang paglaki mo. Siguro ang saya natin…’’
“E kumusta na po si Lola?’’
“Patay na siya.’’
Napatangu-tango si Aya.
“Nang mamatay siya na-ging malaya na ako. Wala nang nagdidikta. Wala nang nananakot…’’
“E mayroon ka nang sa-riling pamilya, Papa?â€
“Meron na.’’
Napabuntunghininga si Aya.
“Doktor din ang napangaÂsawa ko. Mayroon kaming isang anak.’’
Napabuntunghininga uli si Aya. Akala niya, wala pang pamilya ang ama.
“Pero alam ng misis ko na mayroon akong anak sa iba. Sinabi ko sa kanya. Mabuti na yung alam niya para kung dumating ang pagkakataong magkita tayo e di hindi na siya magtataka o masusumbatan ako…’’
Humanga si Aya sa ama. Hindi pala siya ipinagkaila. At umaasa palang isang araw ay magkikita sila.
“Pero hindi ka po nag-try na i-locate ako thru FB gaya ng ginawa ko sa iyo?â€
“Ginawa ko iyon pero hindi ako successful sa paghanap thru social media. Hanggang sa ma-occupy ako nang maÂraming trabaho. Naging madalas ako sa abroad dahil sa conference. Tapos nagtuturo pa ako. Pero malakas ang aking kutob na magkikita tayo. At nangyari nga…salamat at ikaw ang nakahanap sa akin. Ngayong nagkita na tayo, wala na akong magiging problema.’’
“Ako ang may problema, Papa. Tiyak na magagalit sa akin si Mama pagnala-man na nagkita na tayo.’’
“Inaasahan ko na ‘yan. Pero siguro, mauunawaan din niya.’’
“Sana nga Papa.’’
Maya-maya may tumaÂwag uli kay Doktor. Urgent na yata.
“Magkita uli tayo bukas. Ito ang number ko. Ikaw na lang ang tumawag sa akin. May pasyente akong kaila-ngang puntahan,†sabi nito.
Umalis na sila. Lumabas sa canteen. Naghiwalay sa may elevator.
“Ingat ka Aya.â€â€™
“Bye Papa.â€
(Itutuloy)
- Latest