Halimuyak ni Aya (157)
PINAGMASDAN ni Aya ang hawak na retrato at kinumpara rito ang itsura ng doctor na naglalakad. Parang ito na nga ang Papa niya! Hawig sa nasa hawak niyang naka-print na larawan. Ang puna lang niya ay mataas ang hairline ng doctor na dumating samantalang ang kanyang ama ay hindi. Hindi mapakali si Aya. Nagdaan sa harap niya ang doctor. Hindi niya malaman kung magtatanong sa doctor. Lumampas ang doctor kay Aya. Ni hindi siya tiningnan. Hindi niya malaman ang gagawin. Nalilito siya. Habulin kaya niya at itanong ang pangalan nito. Baka naman lumabas na bastos siya. Mukhang kagalang-galang ang doctor.
Pero nanaig kay Aya ang damdamin na makilala ang ama kaya nilakasan ang loob. Bahala na.
Hinabol niya ang doc-tor na noon ay malayo na at patungo sa may elevator. Nagmamadali si Aya at baka makasakay ito sa elevator.
“Excuse me, Sir, are you Dr. Del Cruz?†tanong niya sa lalaki.
Lumingon ang lalaki. Ngumiti.
“No. I’m not Dr. Del Cruz. I’m Dr. Gatmaitan.’’
“Ay sorry po, Doctor. Akala ko po ikaw?â€
“Si Dr. Paolo del Cruz ba ang hinahanap mo?â€
“Opo. Kilala mo po ba siya Doctor?â€
“Same school ang piÂnagtapusan namin pero ahead ako sa kanya. Mahusay siyang doctor.’’
“Opo, marami po akong nabasa ukol sa kanya. E nasaan po kaya siya nga-yon?â€
“Sa ngayon hindi ko alam kung narito na siya sa bansa. Last month kasi nagkita kami rito sa lobby din at sabi ay nasa confe-rence siya sa Los Angeles.’’
“Narito na raw po. Dumating na raw.â€
“So why not checked him. I think nasa third floor ang clinic niya.’’
“Galing na po ako roon. Wala pa raw po.’’
Napatingin sa kanya nang masusi si Dr. Gatmaitan.
“Ah, maaaring nagra-rounds siya. Baka maya-maya andito na yun.’’
“Talaga pong dito siya dumadaan, Doctor?â€
“Oo. Wala namang ibang way kundi itong lobby.’’
“Salamat po Doctor. Dito ko na lang po aaba-ngan.’’
“Sige, nice meeting you, iha.â€
“Salamat po, Doctor.’’
Nagpatuloy ang doctor sa paglalakad patungo sa elevator.
Nagbalik naman si Aya sa pagkakaupo at inaba-ngan ang ama.
Pero inabot siya ng alas-dose ng tanghali ay hindi niya nakita ang ama. Nang makadama ng gutom ay ipinasyang umalis at nagtungo sa McDo sa harap ng ospital. Nang matapos kumain, ipinasya na niyang umalis dahil may klase pa siya ng ala-una.
Pero babalik uli siya rito sa ospital para abangan ang amang doctor.
(Itutuloy)
- Latest