Halimuyak ni Aya (120)
NARARAMDAMAN ni Sam na pabigat nang pabigat ang nakahilig sa balikat niya. Napapausod siya. Nang tingnan niya si Julia, tulog na si Julia. Ang bilis namang nakatulog.
Hinayaan lang niya. Wala namang masama kung humilig sa balikat niya. Hindi naman niya maaaring sabihan na doon sa gawing bintana ng bus ipaling ang mukha. Mabait naman sa kanya si Julia. Ipinag-save pa siya ng upuan. Okey lang na gaÂwing unan ang balikat niya.
Lalo niyang nasamyo ang buhok ni Julia. Maikli ang buhok ni Julia pero matapang yata ang ginaÂmit na shampoo dahil langhap na langhap niya. Minasdan uli niya si Julia. Maganda naman. MataÂngos ang ilong at maganda ang shape ng mukha. Medyo nga lang malaki ang bibig, pero bagay sa mukha. Napansin niya na malaki na ang dibdib ni Julia. Nakaumbok na. Sabagay, marami sa mga kaklase niyang babae ang malalaki na ang boobs.
Pinagmasdan uli niya ang mukha. Makinis naman. Walang tagihawat. Pero walang tatalo sa kinis ng mukha ni Aya. Pinung-pino ang kutis. Mas maganda ang ilong ni Aya. Perpekto ang laki at tangos. Maganda rin ang hugis. Maliit at napakanipis ng mga labi. Napagmasdan na niya noon ang mukha ni Aya. Walang tatalo sa ganda ni Aya. Gandang lungsod samantalang si Julia ay gandang probinsiya.
Biglang nagmulat ng mata si Julia. Huli si Sam.
“Ba’t mo ako tinitingnan, Sam?’’ Tanong nito na ikinagulat ni Sam.
“Ha? A e, kuwan, naÂpatingin lang. Kasi’y baka nahihirapan ka sa pagkakahilig e umayos ka nang upo.’’
“Okey lang ako. Sorry at napahilig pala ako sa balikat mo. Mabigat ba ako, Sam?’’
‘‘Hindi naman. Okey lang na humilig ka. Sige, ituloy mo ang pagtulog.’’
‘‘Nakatulog na ako. SaÂlamat, Sam.’’’
Tumingin si Sam sa labas ng bus. Nakita niya ang mga malalaking puno na nasa gilid ng highway.
“Tuloy ba ang pagkuha mo ng science course, Sam?’’
“Oo.’’
“Talagang preparatory sa medicine. Naks magiÂging dok ka in the future. Gamutin mo ako ha? Itong puso ko, gamutin mo ha?’’
Ngumiti lang si Sam. Palabiro talaga si Julia.
“Doktor Sam ang itatawag ko sa’yo.’’
Ngumiti lang uli si Sam. Napapahiya siya sa ibang pasahero dahil malakas ang boses ni Julia. Hindi naman niya mapagsabihan si Julia at baka sabiÂhing corny siya.
“E, ikaw ano nga palang course ang balak mong i-take?’’ Tanong niya kay Julia. Kahit kailan, hindi nito sinasabi ang course na balak kunin.
“Masscom.’’
“Bagay sa’yo, Julia.’’
“Bagay nga sa akin dahil madada ako.’’
(Itutuloy)
- Latest