^

True Confessions

Alakdan (288)

Pilipino Star Ngayon

“LAHAT nang pagkuku- lang ko ay pupunuan ko Pau. Igagapang kita kahit anong mangyari,” sabi ni Digol habang yakap ang anak.

“Salamat Papa.’’

Bumitiw sa pagkaka-yakap si Digol sa anak at tinapik-tapik ito sa balikat.

“Pag-aaralin kita. Igagapang kita.’’

Sa sinabing iyon ni Digol ay natigilan si Pau. Tila may kakaibang hatid na pag-asa.

“Gusto ko po talagang makapag-aral Papa.”

“Anong year ka na Pau?”

“Nasa third year na po sana ako ngayon kung hindi namatay si Mama. Pinag-aaral naman po ako ni Tita Ana pero ako na ang tumanggi kasi, dagdag lang ako sa pasanin niya. May dalawang anak din na nag-aaral sa high school si Tita.’’

“Sa susunod na pasukan, ipapasok kita. Malapit lang ang high school dito. Lalakarin lang.’’

“Alam mo Papa, may honor ako noong second year ako. Tuwang-tuwa nga si Mama. Sabi niya, paghusayin ko pa raw. Gusto ko po kasi mag-doktor, Papa.”

“Kakayanin kong pag-aralin ka ng pagka-doktor Pau.’’

“Salamat Papa.  Matu­tuwa si Mama kapag na- ging doctor ako.’’

“Noong nabubuhay pa ang mama mo, galit ba siya sa akin?”

“Hindi po. Siya nga ang nagsabi sa akin na hanapin kita. Wala po siyang sinabing masama. Sinisisi po nga niya ang sarili kung bakit hindi ka hinanap. Nagpalabuy-laboy ka raw po. Kasi’y natakot daw siya kay Madam Carmen. Kapag daw nalaman ni Madam Carmen na nagkaroon kayo ng relasyon ay baka pati siya e mada­may. Pero talagang gusto kang hanapin ni Mama. Hanggang sa hindi ka na raw makita. Ang akala pa nga ni Mama ay baka raw patay ka na. Kasi nang mga panahong iyon ay may nakitang patay sa ilog. Inisip ni Mama na baka masyado kang na-depressed at nagpakamatay ka…”

“Naisip ko ‘yan noon pero sa huling sandali nakapag-isip ako. Nang makapag-isip ako, nagbalik ako rito. Narito pa ang pinsan kong si Troy at tinanggap niya ako. Siya ang nagsusustento sa akin ngayon.’’

“Mayaman po si Tito Troy?”

“Nagsikap siyang mag-aral. May maganda siyang trabaho. Tuwing akinse at a-treinta ng buwan ay nagpupunta siya rito ay dinadalhan ako ng supply. Pati pera sinusustentuhan ako. Mabait si Tito Troy mo…’’

“Gusto kong makita si Tito Troy.’’

“Ipakikilala kita. Sasa-bihin ko, kasama ko na ang akinh unica iha.’’

 

ISANG araw, duma-ting si Troy. Si Pau pa ang nagbukas ng gate para kay Troy. Takang-taka siya.

“Anak ko siya, Troy si Pau,’’ sabi ni Digol.

Hindi makapaniwala si Troy.

(Itutuloy)

AKO

DIGOL

IGAGAPANG

MADAM CARMEN

SALAMAT PAPA

SIYA

TITO TROY

TROY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with