^

PSN Showbiz

Esang, James Philippe, Jarlo Base, and Diego Gutierrez — pinakabagong Star Magic artists!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Esang, James Philippe, Jarlo Base, and Diego Gutierrez � pinakabagong Star Magic artists!
Esang at ABS-CBN execs
STAR/File

Opisyal na ipinakilala ang mga bagong Star Magic artists nung isang araw – sina Esang, James Philippe, Jarlo Base at Diego Gutierrez, sa isang contract signing at concert na ginanap sa Noctos Music Bar, Quezon City.

Bagong kabanata para sa kanilang karera ang maging bahagi ng pamilya ng Star Magic.

Present sa nasabing event ang kani-kanilang pamilya, mga kaibigan, at ang mga ABS-CBN executives.

Ipinahayag ng apat na singer-songwriters ang kanilang excitement at pasasalamat na mas mabigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talento.

Dinaluhan nina ABS-CBN TV Production at Star Magic Head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Music Head Roxy Liquigan, Head of Digital Services and Business Development Ms. Elaine Uy-Casipit, Head of Star Magic Special Events and Digital at Senior Talent Manager Ms. Love Almazan-Capulong, ABS-CBN Business Unit Head Sir Raymond Dizon, at Creative Director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo ang Magical Vibes: Star Magic Music Room. Ipinahayag ng executives ang kanilang tiwala sa apat na singer-composers.

Kilala sa kanyang husay sa pagkanta at stage presence, nakilala si Esang de Torres sa The Voice Kids Philippines Season 2 kung saan naging mentor niya si Lea Salonga at nanalo bilang third placer sa nasabing kumpetisyon. Mismong ang Tony Award awardee ang nagpakilala kay Esang bilang isang promising talent.

“I am beyond grateful to be standing here in front of you tonight, as a newly launched Star Magic artist… I want to take this opportunity to thank Star Magic for believing in me and for giving me this opportunity to grow, to learn, and to share my passion with all of you as an artist…,” sabi ni Esang.

Samantala, parehong naghahanda sina James Philippe at Jarlo Base para sa kanilang mga paparating na musical projects under Star Magic.

Binahagi ni James Philippe ang kanyang nararamdaman: “I am very speechless and thankful to God. Thank you so much po for this opportunity.”

Ipinakilala ni BINI Colet si Jarlo Base sa intro VTR at nagpakita ng kanyang support at appreciation para sa music ng singer-composer.

Mensahe naman ni Jarlo Base: “I’m feeling very excited, and honestly, I feel at home… Thank you so much, Star Magic and ABS-CBN.”

Si Diego Gutierrez, na sumusunod sa yapak ng kanyang pamilya sa industriya, ay excited na bumuo ng sarili niyang pangalan: “Thank you again, Star Magic, for this wonderful opportunity, I promise that I will make the most of it, (and) I’ll keep working hard and I’ll keep striving to be a better artist para pasok tayo sa #TatakStarMagic…”

Siguradong maraming dapat abangan sa mga bagong Star Magic Kapamilya na sina Esang, James Philippe, Jarlo Base at Diego Gutierrez.

Maaaring balikan at muling panoorin ang Star Magic Music Room event sa official YouTube channel at Facebook page ng Star Magic.

ESANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->