^

PSN Showbiz

Breadwinner nakabawi na…ibang pelikula, nawalan ng pag-asang kumita?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Breadwinner nakabawi na…ibang pelikula, nawalan ng pag-asang kumita?!
Vice Ganda

May nagkuwento sa akin noong nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival na meron daw isang taong involved sa isang pelikulang kalahok na nagmumura dahil sa hindi nagustuhan ang desisyon ng mga hurado.

Baka lasing na lang, pero ang tindi raw ng mga sinabi laban sa mga hurado.

Isa sa jury mismo ang nakarinig kaya galit na galit na raw ito.

Kamakailan lang ay napag-alaman naming itong taong nagmumura nung gabing ‘yun ay may koneksyon pala sa nag-finance daw ng awards night na ‘yun.

Kung totoo man ‘yun, aalamin pa namin bakit umabot sa ganun.

Pero nakakapanlumo ang resulta nitong MMFF, dahil ang layo sa kinita nito sa nakaraang taon.

Hindi pa rin sila naglalabas ng official figures, pero pagkatapos ng filmfest next week, maglalabas ng report ang MMDA na pangungunahan ni Atty. Don Artes. Doon natin malalaman kung ano talaga ang resulta ng #MMFF50.

So far, ang nasagap pa naming impormasyon sa box office ay mahigit P500M pa lang ang total gross ng sampung pelikulang kalahok.

Ang And The Breadwinner Is… pa rin ang nangunguna na mahigit P200M daw ang kinita nito. Malayo raw ito sa sumusunod na The Kingdom at pumangatlo ang Espantaho. Pero malapit na raw itong abutan ng Green Bones na nilagpasan na ang Uninvited.

Sabi ng ilang produ­cers, itong Breadwinner pa lang daw ang nakakabawi. ‘Yung siyam pang pelikula ay malabo pa raw maibalik ang mala­king puhunan nila.

Bukod kasi sa mala­king production cost ng pelikula, ang mahal na rin ng promotions ngayon.

Napabuntung-hininga na lang ang isang producer na mahigit P1M ang ginastos niya sa isang presscon pa lang. Ang taas nang maningil ang ibang hotels o restaurant. Kaya sa totoo lang, hindi talaga biro ang gastos sa pag-produce ng pelikula.

Nagpahayag ng suporta ang administrasyong Marcos para sa ating movie industry. Sana maka­tulong talaga sa producers natin itong ipinapangako nilang suporta. Hindi lang ‘yung pa-konsyerto sa Malacañang at pag-apir sa awards night.

Alden, seryoso na sa pagdidirek!

Nag-trending si Alden Richards kahapon na kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang 33rd birthday.

Ang sipag ng KathDen fans na mag-post ng mga kuha ni Alden kasama si Kathryn Bernardo.

Sila pa rin talaga ang gusto ng fans na magkasama sa isang project. Pero wala pang linaw kung magsasama pa ba sila ulit. Pawang haka-haka pa lamang.

Pero may bagong career na hinaharap ngayon si Alden, bukod sa pagpo-produce. Mukhang kakarerin na niya ang pagdidirek.

Napabalita na noon ang idinirek niya ang pelikulang Out of Order under sa Viva Productions. Pero nung nakatsikahan namin si Atty. Annette Gozon-Valdes nabanggit niyang ipina-co-produce daw ito ni Alden sa GMA Pictures. “Ay oo! Nakiusap siya sa akin, hindi ako maka-no,” bulalas ni Ma’am Annette.

Kinumusta na rin namin si Alden as a director. “Ang bait niya. Feeling ko baka natatakot lang siya sa akin… hindi ako mapagalitan,” napangiting sagot niya pa.

Pero isa raw siya sa umaasang magkaroon muli ng follow-up project ang KathDen. “Pag-usapan namin ng ABS. Kaya lang ang problema siguro ang timeslot, kung saan ipalalabas. Pero what if… baka may gusto ng streaming ‘di ba? Puwede naman kami mag-collab ng ABS for a streaming platform.

“Lahat puwedeng pag-usapan. We’re very open to ABS ‘di ba? Maganda naman ‘yung collab namin. “Let’s see,” sabi pa uli ni Ma’am Annette sa aming chance interview.

Happy birthday kay Alden Richards!

METRO MANILA FILM FESTIVAL

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with