Ate Vi, bumawi sa pamilya!
Kakatuwa si Star for All Seasons Vilma Santos na naalala si tito Ed de Leon, ang kanyang number 1 defender.
Namatay si tito Ed ilang araw bago mag-Pasko.
Aniya kagagaling lang nila ng buong pamilya sa Nasugbu.
“Akyat kami Baguio for Ralphs (Sec. Ralph Recto) bday ! Hindi ko nakakalimutan si Ed! Araw-araw ko siyang pinagdarasal !!! Gusto ko siyang dalawin kahit abo niya kung saan man siya nakalibing bago ako aakyat Baguio! Need to pay my last love and respect to Ed!” umpisa ng message ni Ate Vi.
Nang tanungin ko kung kumusta ang kanilang holidays dahil nga naging busy siya sa Uninvited, sinabi niyang “Ok naman holidays.. Bawi time din sa family kasi na busy ako shooting .. Promo .. pati probinsya ..Batangas affairs .. Nag sabay-sabay ! Pagoddd ! Namatay pa tagapag-tanggol ko! Naiiyak ako!”
Sa ngayon ay wala nang nabubuong ganung closeness sa artista at mga writer.
Unlike before na nagiging close ang maraming manunulat sa mga artista.
At magandang goal ang relasyon nina Ate Vi and tito Ed.
Iba na ang landscape ngayon dahil sa social media.
Ang mga celebrity ay mga ‘writer’ na rin. Sila na mismo ang nag-i-scoop sa kanilang sarili sa social media with monetization in their mind.
Iilan na lang ang natitirang tulad ni Ate Vi na kahit pumanaw na, hindi niya nakakalimutan ang kanilang pinagsamahan.
Saludo para sa ‘yo, ate Vi.
Samantala, ayaw naman niyang mag-comment sa hindi pagkaka-nominate nina Aga Muhlach at Direk Dan Villegas sa MMFF.
Ahhh. Off the record na lang daw.
- Latest