Zanjoe, mas todo ang saya
“Little bestie. my bestie,” post ni Ria Atayde sa kanyang Instagram stories na ang unang photo ay ang anak ang hawak at sa pangalawa ay kasama ang tinuturing niyang bestie na si Zanjoe Marudo.
Obviously, tapos na si Zanjoe na mag-shooting ng pelikulang How To Get Away From My Toxic Family ng production ni Ogie Diaz kaya parang chill na sila after holiday seasons.
Si Ria naman ay malabo pang bumalik sa trabaho dahil sabi nga ng actor nay naipon naman siya para sa pamilya.
Anyway, last September nanganak si Ria pero hindi pa nila pinakikita ni Zanjoe sa social media ang mukha ng anak. Lagi ring nakatalikod ang mukha nito.
Hindi raw sa pinagdadamot nila kundi iniiwas nila sa mga ‘negative element,’ sabi ng actor.
Anyway, exclusive na mapapanood sa SM Cinemas ang How To Get Away From My Toxic Family.
May ilang movie offer kay Zanjoe na hindi niya tinanggap dahil sa kanyang mag-ina.
Pero hindi raw niya natanggihan ito dahil : “Nung tinawagan ako for pitching, tapos in-explain nila ‘yung character ng story then right after nung mapag-usapan ang character ng story, right after that nag-yes na ako, kahit na wala pang script,” sabi pa ng bagong ama na first time na buo ang pamilya na nag-Pasko.
- Latest