Lumantak ng ubas sa ilalim ng lamesa, Kathryn umaasang mas susuwertehin pa
Magbibigay nga ba ng suwerte ang pagkain ng ubas sa pagpasok ng Bagong Taon? Nag-umpisa pala ang paniniwalang ito sa mga Kastila – na sa hatinggabi sa Bisperas ng Bagong Taon para isang contest ang pagkain ng 12 ubas bago lumipas ang unang minuto ng magtatapos na taon.
Ang 12 ubas, na bilang ng mga buwan ng taon, ay kailangang kainin nang isa-isa bago magbago ang orasan sa 12:01. Kung ang mga ubas ay naubos mo, ang tradisyon ay nagsasaad na ang suwerte ay nasa tabi mo sa buong taon. Uvas de la suerte ang tawag dito at nauso na rin ito sa India kaya dagsa raw ang order ng grapes doon noong nakaraang new year celebration.
At nakisali rito si Kathryn Bernardo. Nag-viral ang ang video ni Kathryn na kumain ng grapes sa ilalim ng kanilang lamesa.
Nag-post ang mommy Min ng actress ng kanilang New Year celebration sa kanilang bagong bahay at maraming naaliw sa actress sa pagsalit nito sa “12 grapes under the table” challenge.
Naka-polka dot blouse pa si Kathryn habang lumalantak ng ubas sa ilalim ng lamesa.
Ang pelikula ni Kathryn and Alden Richards ang highest grossing Filipino film of all time na kumita na pala ng P1.4 billion worldwide.
Ano pa kayang suwerte ang darating kay Kathryn sa pagkain niya ng ubas?
Pero ang sermon ng pari kahapon, wala sa ‘tradisyon’ na pagkain ng prutas na bilog, 12 castañas ang binanggit niya, ang suwerte ng isang tao kundi nasa Diyos.
Ang mga tao raw kasi ngayon, ang lakas ng kapit sa mga tulad ng palakang may barya sa bibig o pusang gumagalaw ang kamay.
Maganda ang homily ng pari para sa Bagong Taon na maraming ‘guilty.’
May punto naman ang pari dahil sa ngayon walang celebrity ang nagpo-post na nagsimba sila nung nakalipas na Pasko at bagong taon.
Anyway, at the end of the day, kanya-kanyang paniniwala naman ‘yan. Basta ang importante ‘wag kang gagawa ng masama sa kapwa.
- Latest