Legal team ni James, araw-araw naniniwalang mahahabol ang ‘tumakbong’ business partner

Jeffrey Oh at James Reid
STAR/File

Aabangan ngayong 2025 kung makakabawi si James Reid.

Walang sinabing halaga si James nang huli namin siyang nakausap late last year pero tuloy ang kanyang demanda sa former business partner.

May legal team aniya siyang nakatutok dito.

Maaalalang, bukod sa pag-iwan sa kanya ni Liza Soberano bilang artist ng kumpanya niyang Careless, nadiskubre niya ring diumano’y naloko siya ng kasosyo sa kumpanya na si Jeffrey Oh. “I believe it’s still being resolved everyday. It’s still getting untangled and resolved everyday, together with my legal team. But yeah, that’s all I have to say,” pahayag niya.

Nakalabas na ng bansa si Jeffrey Oh na diumano’y karelasyon ngayon ng former talent niya (Liza Soberano). “But my legal team is still trying to get in touch to resolve a lot of issues,” sabi niya pa.

Nabanggit din ng actor na matapos nitong pirmahan ang kontrata upang tuparin ang ang mga inutang niya, lumayas ito ng bansa makalipas ang dalawang araw.

Pero sabi nga niya, wala na siyang pakialam tho hindi niya raw masasabing ‘yun ay isang scam. “I wouldn’t say exactly a scam. It’s more complicated than that. But yeah, it’s more complicated than that.”

Consistent na walang binabanggit na amount si James, pero diumano’y mahigit P100 million ang nawala sa actor.

Ngayong taon din babalik si James sa teleserye at pelikula sa ABS-CBN.

Show comments