Mula pagkabata ay mahilig na si Karylle sa mga laruan partikular na ang mga produkto ng Sanrio. Madalas umanong pumupunta ang It’s Showtime host na kasama ang ama noong siya ay bata pa sa isang shop upang tumingin-tingin ng kanyang gustong laruan. ‘I was a Sanrio baby. I grew up in Greenhills, my dad had a clinic there and we would go to Gift Gate. He had this rule that you could look but not touch. Because once you touch the toys, you will buy the toys,” nakangiting kwento ni Karylle sa Beyond the Exchange show ng ABS-CBN News Channel.
Nahiligan din ng singer-actress ang pangongolekta ng mga laruan lalo ng kapag nagpupunta sa iba’t ibang bansa. “In a recent trip to Japan, I could afford a Hello Kitty already. And my dad was there, ‘Dad, I’m gonna buy some.’ I started putting them in my bags and also kind of dressing up like Hello Kitty more and more with a ribbon. I think the theme for the past two years for me was healing the inner child. And you do parang find comfort in these toys that make you smile. Parang I used to have stationary, anything Hello Kitty. I would look at each toy one by one. Pero look lang talaga and ang cute niya and I would spend hours in the Hello Kitty store, gano’n lang,” paglalahad niya.
Ayon kay Karylle ay toy collector din ang asawang si Yael Yuzon. Magkasundung-magkasundo umano ang mag-asawa dahil sa kanilang mga hilig na art toy collection. “He’s a princess collector. I think that’s why he married me. I realized later on. We do love to sing the songs. He has all the Disney princesses. We have the mugs, like really beautiful pieces. Like from our honeymoon in Paris, ‘yung mga prettier versions of the mugs. But for toys, we have cheap ones, the basic ones. Like the collection of all the princesses. He doesn’t buy the expensive ones. He’s always happy like it’s the weirder ones. Parang something that shows you a bit of your vacation, and culture of the place,” pagbabahagi ng It’s Showtime host.
Sam, may mga iniwan sa 2024
Mayroong gustong subukang gawin si Sam Concepcion ngayong taon. Bukod sa pagkanta, pagsasayaw at pag-arte ay nagbabalak ang binata na gawin ang isang bagong hobby.“More fun, more challenges, more work, more opportunities to sing, dance, and act and gawin ‘yung mga bagay na we love. Siguro magkaroon ng bagong hobby, explore something new, climbing or hiking,” bungad ni Sam.
Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ng singer ang mga bagong kanta na ilulunsad ni Sam sa mga susunod na buwan. “Excited na akong mag-launch ng mga bagong kanta,” dagdag ng singer-actor.
Iniwan na ni Sam sa nakaraang taon ang mga hindi na dapat baunin sa pagpasok ng 2025. “Siguro ‘yung mga doubts and habits, mga bagay na nakasanayan natin na hindi na natin kailangan to continue, to move forward and go. And siyempre (kailangan ng) discernment and the wisdom to determine kung ano ‘yung mga bagay na ‘yon,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)