Ang bongga naman pala ng taong 2024 ni KC Concepcion na kung saan nagkaayos na sila ng inang si Sharon Cuneta.
Dumating daw ang Pasko sa anak nina Sharon at Gabby Concepcion noong 2024. Best Christmas ever daw niya iyon.
Nag-post siya ng mga kaganapan sa buhay niya noong nakaraang taon at sa caption niya ay nagpasalamat pa siya sa taong 2024 sa pag-aayos sa kanilang mag-ina.
Makikita roon ang video ni Sharon habang nilalaro ang furbabies ni KC na sina Churro at Chica.
Perfect way raw iyon para isara niya ang panibagong taon.
Nagpasalamat naman siya sa Diyos dahil ang ganda raw ng timing nito.
At sa huli ay sinabi nitong “Forever yours, my mama.”
Ni-repost iyon ni Sharon kung saan binati niya ang panganay ng “Happy New Year, my baby! I love you.”
Nag-post din si Sharon ng litrato nila ni KC na may caption na “Baby #1 of 4 and me”
Marami ang natuwa sa pag-aayos nilang mag-ina dahil ang ganda nilang tingnan na maayos ang relasyon.
Kaya lang parang cycle na raw kasi ang nangyayari sa mag-ina at paulit-ulit lang daw na away-bati ang mga ito.
Pansin nga ng ibang mga netizen ay bumabalik lang daw si KC sa nanay niya kapag nasasawi ito sa pag-ibig.
May iba naman na nakapansin na walang litrato si KC sa mister ni Sharon na si Kiko Pangilinan at mga kapatid niya sa ina.
Kaya tanong nila kung kelan naman daw kaya magkakaayos sina KC at half-sister na si Kakie at Kiko.
Maaalala kasing in-unfollow ni KC sina Kakie at Kiko kung saan aminado siyang hindi perpekto ang pamilya nila. Mas pinili lamang daw niya ang peace of mind niya.
‘Kaloka. Naku may isip na sila noh. Alam na nila ang tama at mali.