Gabby, may rebelasyon sa Bagong Taon tungkol sa ina ng anak

Gabby Concepcion
STAR/File

Pagpasok ng taong 2025, bumulaga agad ang nakakaintrigang cryptic message na ipinost ni Gabby Concepcion sa kanyang Instagram account.

Ang sabi nito, “Manipulating a kid to make them hate their Dad is one of the most evil things a human can do.”

Kung may koneksyon ito sa isyu ni Gabby sa nanay ng kanyang mga anak, kanino kaya?

Hindi naman siguro si KC Concepcion dahil matured na ito at ang dami na nilang isyung pinagdaanan.

Tahimik lang kasi ang kasaluku­yang asawa ni Gabby, hindi siya showbiz kaya hindi siya nasusubaybayan ng karamihan.

Kahit si Gabby rin ay hindi rin maingay sa social media, at pagdating sa kanyang pamilya ay tahimik din ito. Kaya nakakaintriga ang post niyang ito sa unang araw ng bagong taon.

Kahit ang ibang showbiz father na may isyu sa kanilang anak sa nakaraang karelasyon ay tahimik din.

Si Patrick Garcia ang unang naalala ko nang nakita ko sa post ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na kasama ang kanilang mga anak na nagbakasyon sa Japan.

Bukod sa anak nilang mag-asawa na si Dylan, nandun din ang anak nina Dennis at Carlene Aguilar na si Calix. Napakatangkad nito at lalong gumuwapo.

Super cutie rin ang anak nina Jennylyn at Patrick Garcia na si Alex Jazz. Pero pagdating sa kanilang anak ay tikom din ang bibig ni Patrick. Ayaw niya talagang sagutin ito sa mga interview, kaya nahahalatang hindi sila okay ni Jennylyn.

Lalo naman si Paolo Contis na ang pagkakaalam namin ay wala pa siyang communication sa anak niyang si Summer kay LJ Reyes.

Hindi lang ako sure kung okay na sila ni Lian Paz at kung may communication na ba siya sa dalawa nilang anak na naka-base sa Cebu.

Hindi rin kasi talaga nagsasalita si Paolo tungkol sa kanila ni Lian dahil nasa proseso pa ang kanilang annulment. Kaya minabuti nilang manahimik na lang muna.

Sana maayos na ito ngayong 2025 kung ano man ang mga isyu nitong controversial dads sa kanilang mga anak at dating karelasyon.

Joel Cruz, ginagawang jologs ang mga anak

Maipupuri mo naman ang kakaibang daddy na si Joel Cruz.

Sa kalagayan niyang yan ay naitaguyod niya ang walo niyang anak na niluwal through surrogacy.

Nakatsikahan namin si Joel sa programa namin sa DZRH bago mag-bagong taon, at tuwang-tuwa siya dahil ngayon lang daw sila uli makapag-new year dito sa Pilipinas.

For the past six years, nasa abroad daw sila ‘pag holidays at iba siyempre ang Pasko at bagong taon sa Amerika o sa Europe.

Ngayong lumalaki na at nagkakaisip na ang walo niyang anak, gusto naman daw niyang ma-experience nila ang new year dito na may mga paputok at fireworks.

“ E dito may mga putukan, sabi ko gusto ko ma-experience nila ‘yung dito na marinig nila ang mga putukan sa New Year’s eve. Kasi dito may mga paputok, fireworks display,” pakli ni Joel Cruz.

Ang nakakatuwa pa sa celebrity businessman na ito, may time talaga siyang ituro sa mga anak niya ang mga lumang laro na nilalaro niya noong bata pa siya.

Gusto niyang matutunan nila ang mga tradis­yon at kulturang Pinoy, kagaya ng pagmamano, pagsasalita ng po at opo kapag nagta-Tagalog.

“Alam mo ang tatay at nanay ko na taga-Bulacan na maraming mga tradisyon na ganyan, ‘yung pag-mano, ayokong mawala sa kanila ‘yun. Kasi lumaki sila sa international school. Gusto ko ‘yung Filipino customs and traditions magawa nila… even ‘yung mga laro nila na patintero, taguan, ginagawa nila ‘yun, tinuturo ko. Luksong tinik, tsako, tumbang preso, tinuturo ko sa kanila ‘yung mga nilaro ko before,” bulalas ni Joel Cruz.

Nakikita nga namin sa ilang post nito sa Facebook na naglalaro sila ng tumbang preso na ikinatuwa ng mga bata.

“Kasali ako, kasama akong nakipaglaro sa kanila, mag-patintero. Tapos, tinuturo ko ‘yun, even ‘yung piko. Sinasabi ko dati ‘yung pamato namin dati na kunwari ‘yung balat ng saging ‘yung ganun, gusto ko ma-experience nila ‘yun,” sabi pa nito.

Ang cute ng mga anak ni Joel at sinasabi nga naming sila na ang kunin niyang endorsers. Masyado pa raw bata kaya ayaw niya muna.

Abangan na lang daw ang susunod niyang pasabog na ilulunsad na bagong endorsers para sa kanyang Afficionado Germany Perfume.

Ngayong 2025 ay isi-celebrate nila ang 25th anniversary ng Afficionado, kaya abangan daw ang malaking selebrasyon niyang mamimigay ng papremyo na aabot ng P25 million.

“Mamimigay tayo ng brand new 25 electric vehicles, 25 motorbikes, 25 gadgets, P25K, marami pa.

“Bumili lang ng mga products ng Afficionado, may stickers na kayo, ilagay lang sa white envelope with your name, address, contact number. Ihulog lang sa dropbox sa mga stores namin,” sabi pa ni Joel.

Nagsimula ito kahapon, Jan. 1, hanggang September.

Show comments