New Year pasabog…

New Year mismo, may pasabog na post si Gabby Concepcion. Sino kaya ‘yun? Malayo naman na si KC Concepcion ‘yun dahil lagi na lang sinasabi ni Gabby na napakaganda ng pagpapalaki ni Sharon Cuneta sa kanya.

‘Yun nga lang, kung original quote ‘yun – ano ba yun – a kid, isa lang? Bakit them and their ang nakalagay? Ibig sabihin, marami?

Ang ganda lang ng napost na reunion nina Shawie at KC noong Bagong Taon. Sabi ni KC, “Christmas came to me this year. BEST CHRISTMAS EVER!!! Thank you 2024 for bringing my Mama and I together again… Best way to close another year. Love you dear God, your timing is really beautiful! Forever yours my mama!”

At sinagot ito ni Mega ng “Happy New Year, my baby. I love you!”

Ang saya lang, all’s well that ends well. Happy New Year talaga para sa pamilya!

Produ na lasing, nanugod ng juror?!

Grabe naman pala ang ginawa ng isang producer daw noong Metro Manila Film Festival Awards Night!

Lumapit daw ito sa jury’s table at nag-statement ng “You are disgusting.” Kaya ba nag-walk out din ang juror dahil na-off sa inasal ng producer?

Mahirap bang tanggapin na lang na ‘di nagustuhan ng jury ang pelikula nila para sa awards? Parang lasheeeng na raw ang nasabing produ. True kaya?

Green Bones, umalagwa sa takilya; Himala, ‘dI dama ang awards!

Totoo nga ba ang balitang naungusan na ng Green Bones ang Uninvited? Patunay lang na may epekto nga ang awards sa box office showing ng pelikula.

Pero paano ito sa kaso ng Isang Himala at My Future You? Parang hindi ganu’n karamdam ang effect ng awards sa kanila?

Sad but, star value pa rin ang naghahari sa marami nating manonood.

Nakakataquote:

“HAPPY NEW YEAR HIMALOVES! Good news ang pagbati sa 2025 mula sa #IsangHimala

“Number 1: We have 18 Cinemas starting today at mapapanood na din sa Mindanao! Check out our updated list here! We did it! Sugod na sa mga sinehan!

“Number 2: OUR CAST ALBUM IS NOW AVAILABLE ONLINE via SPOTIFY, Apple Music and Youtube Music! You can listen to our recordings on repeat for the New Year

“Salamat po and keep spreading the word Isang Himala! Mabuhay ang teatro at pelikulang Pilipino”

– Kakki Teodoro, MMFF50 Best Supporting Actress for Isang Himala

Show comments