Dennis, inokray ang sarili!

Dennis Trillo
STAR/File

MANILA, Philippines — May isyu na naman ang netizens kay Dennis Trillo dahil sa post nito sa Threads na ginawang joke ang pang-ookray sa kanya ng bashers. May mga nag-comment ng “May Dennis Trillo pa ba?” bilang sagot sa diumano’y comment ng aktor na “May ABS pa ba?” kung saan, sobra siyang na-bash.

Heto at ginawa nitong joke ang tanong na “May Dennis Trillo pa ba?” pinost sa Threads at pinagsimulan na naman ang bardagulan ng fans. May nag-comment na yumabang si Dennis after manalong best actor sa 2024 Metro Manila Film Festival. May nagtanong kung na-hack ba ang Threads account nito gaya ng ini­rason niyang na-hack ang TikTok account niya.

May nag-suggest na mag-focus na lang si Dennis sa pagpo-promote ng Green Bones para madagdagan pa ang box-office gross nito. May nagpayo namang ‘wag na siyang magdyu-joke dahil nami-misinterpret ng iba at may tumawag pa sa kanya na papansin after manalo.

In fairness, marami ang nagtanggol sa kanya, mas marami sa nam-bash sa kanya.

Sabi naman ng isang fan, nagpapatawa lang ito, hambog na agad? Ayon naman sa iba, mala­kas itong mang-asar at hindi uubra.

And speaking of Dennis, isa sa bagong pro­ject ng GMA Network for 2025 ang balik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado na Sanggang Dikit. Tuwang-tuwa ang fans ng mag-asawa na matagal nang nagre-request ng project ng mag-asawa.

Ara, sinalba si Cristine!

Ipinagtanggol ni Ara Mina ang kapatid na si Cristine Reyes na na-bash nang biglang umalis sa awards night ng 2024 MMFF. Kaya umalis si Cristine dahil isinugod sa ospital ang mom nila, emergency ‘yun, kailangan pa bang hintayin niya na matapos ang awards night?

Pinost ni Ara ang picture ni Cristine habang nasa tabi ng mom nila na nakahiga sa hospital bed. Sabi ni Ara, “Our mom is in the hospital, which is why she left the MMFF Awards Night crying.”

Sinundan ‘yun ng post ng quotation card na “Never judge someone without knowing the whole story. You may think you understand, but you don’t.”

Nakalagay ang “Unknown” na source ng quote at ang caption ni Ara na “#araminasfavequotes.”

Siyempre, sumagot ang netizens, hindi raw ang biglaang pag-alis ni Cristine sa awards night ang pinuna nila. Hindi raw maganda ang action nito habang nagpi-present ng best supporting actor at may dialogue pang siguradong si Sid Lucero ang mananalo.

Nabaling naman kay Ara ang comment ng ibang netizens, hindi na raw sana pinost pa ni Ara ang photo ng mom niya habang nasa ospital. Respeto raw sa may sakit, kahit mom pa niya.

DongYan, ninong/ninang daw sa kasal nina Ruru at Bianca!

Magkasunod na pinanood nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang 2024 MMFF entries na The Kingdom at Green Bones. Parehong araw pinanood ng DongYan ang dalawang pelikula.

Nag-react si Ruru Madrid nang makita ang post ng DongYan. “Lubos na pasasalamat sa mag-asawang grabe ang pagmamahal at suporta na ibinibigay sa amin. Kaya lahat kami ay ginaganahan na lalo pang husayan ang aming mga ginagawa, dahil kayo ang aming inspirasyon sa Tagumpay sa Karera at Pagmamahalan! Happy Anniversary Kuya Dong and Ate Yan.”

May pabirong nag-comment na kapag ikinasal sina Ruru at Bianca Umali, sigurado siyang kabilang sa kukunin nilang ninong at ninang sina Dingdong at Marian. Hindi ito imposibleng mangyari, kaya hintayin natin ang kasal nila.

Samantala, patuloy na dumarami ang cine­mas ng Green Bones dahil as of yesterday, may 177 cinemas na ito. Pinakinggan ng theater ow­ners ang request ng moviegoers na dagdag na sinehan para sa nasabing pelikula.

Show comments