Pati kami hinanap ang sinabi ng fans, na ang kasamang guy nila Bea Alonzo and her family sa bakasyon nila sa Andorra ay boyfriend na ni Bea na ang tagakuha pa ng photos ng aktres.
Ibig sabihin, sumama ang guy sa bakasyon nila Bea para lang maging photographer? Ka-join din ng actress ang stepfather niya at ang kapatid na lalake na puwedeng kumuha ng photos at video niya habang nag-i-skiing.
Natawa kami sa usapan ng haters ni Bea na hindi lang sumama sa picture taking ang guy, pero kasama niya. May ulo raw na makikita sa isa sa mga photo nila and her family.
‘Yun na, naghanap kami ng photo na may lilitaw na ulo, wala kaming nakita kahit shadow man lang.
Ang daming bitter kay Bea, pati ang pagsusuot ng ski gear pinuna rin. Hindi naman daw siya marunong mag-ski, bragging daw ang ginawa nito at pang-content sa kanyang IG o TikTok lang ‘yun.
Dito na nagalit ang fans niya, dapat daw maging masaya na lang ang basher dahil afford niya na bigyan ng magandang buhay ang pamilya.
Samantala, malapit na ring magtapos ang Widows’ War at bago maglatag ng projects for Bea ang GMA, kailangan niya munang mag-renew ng kontrata.
Next year na ang pagpirma ng aktres ng panibagong kontrata.
Kasabay ng pag-walk out... Cristine, may paliwanag sa pag-iyak sa gabi ng parangal
Binigyan ng malisya ang agad na pag-alis ni Cristine Reyes sa Solaire kung saan ginanap ang 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal. Pagkatapos mag-present ng best supporting actor na napanalunan ni Ruru Madrid, nakita ang aktres na nagmamadaling umalis at umiiyak.
Inakala ng karamihan, kaya nagmamadaling umalis si Cristine dahil ayaw niyang si Ruru ang nanalo sa nasabing kategorya. May mas malala pang naisip ang netizens, kaya raw nagmamadaling umalis si Cristine dahil ayaw malamang si Dennis Trillo ang mananalong best actor na that time, hindi pa in-announce.
Alam naman ng marami na mag-ex sina Cristine at Dennis.
Pero, ang totoong rason kaya nagmamadaling umalis ay dahil ipinaalam ng kapatid na si Ara Mina na dinala nila sa hospital ang mom nila. Nag-panic si Cristine kaya agad umalis at hindi siya nag-walk out gaya ng iniisip ng marami.
May unfair comments pa na ganu’n naman talaga si Cristine noong StarStruck days pa, may attitude raw ito.
Pero, sino naman ang hindi magpa-panic kung nakatanggap ka ng message tungkol sa mom mo?
To think na last Christmas, may family reunion sila at present ang mga kapatid niya, mga asawa ng kapatid at mga pamangkin na nakita naming magkatabi sa upuan sila Cristine at ang mom niya at nakaakbay pa.
Present din sa family reunion nila ang boyfriend niyang si Marco Gumabao.
Kaya sa mga nagsabing ayaw ni Cristine kay Ruru at mas ayaw kay Dennis, 2024 na po at ilang araw na lang 2025 na, naka-move on na sina Cristine at Dennis. Tigilan n’yo na sila.
Sue at Cristine, binigyan ng ‘asim’ award!
Walang nakuhang award sina Cristine Reyes at Sue Ramirez sa Gabi ng Parangal, kaya ang netizens na lang ang nagbigay ng award sa dalawang aktres na kasama sa cast ng The Kingdom.
Hindi positibo ang award na “And the asim awards goes to Sue and Cristine” na sinundan pa ng comment na “Hindi marunong mag-present, ang palengkera noong naka-red.”
Si Sue ang tinukoy na naka-red at kaya tinawag silang maasim ni Cristine dahil sa expression nilang dalawa nang mabasa na si Ruru Madrid at hindi ang bias nilang si Sid Lucero ang nanalong best supporting actor.
Actually, okay naman ang reaction nila na naringgan pang mag-comment ng “Kailangan si Sid to ah...”
Hindi aware si Cristine na open ang microphone niya at na-bash na sila ni Sue.
Wala pa silang reaction sa mga sinabi ng netizens at sa pagtawag sa kanilang maaasim sila.