Award ni Vice, ni-request daw ng theater owners?!; Cooking show sa gabi ng parangal, itinanggi ng MMFF; Green Bones, The Kingdom, MFY, waging-wagi!

Vice Ganda

In a way diumano ay na-offend ang ibang mga juror sa dialogue ni Vice Ganda nang tanggapin ang Special Jury Citation sa Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2024 noong isang gabi para sa pelikula niyang And the Breadwinner Is....

Dialogue niya kasi nang tawagin ng presenter that night na sina Lorna Tolentino and Dennis Trillo na hindi niya alam kung anong award ‘yung natanggap niya :

“I am finally seen. I have been participating in the Metro Manila Film Festival for years. This is the first time na meron akong award.

“Maraming, maraming, maraming, salamat sa pagkakataon na binigay sa’kin ng ABS-CBN. Sa mga panahon na hirap na hirap ang kompanya na kinabibilangan ko ay pinipilit pa rin nilang gumawa ng magandang proyekto at magandang contents… at nagpapasalamat ako kay Jun Lana, binigyan mo ‘ko ng magandang istorya. Binigyan mo ako ng ganitong storya na inaantay na rin ng marami.

“My God, hahabaan ko na. Kasi ibig sabihin, hindi ko makukuha ang Best Actor. Baka ito ‘yung award sa first runner-up, ‘yung mga sayang naman ang outfit, sikat naman siya, panalunin na natin siya for star value of the moment. Pero Special Jury Citation, maraming salamat sa pagkilala. Shineshare ko ‘to sa kapwa kong artista.”

At inihandog nga niya ito sa kanyang co-stars sa MMFF entry na sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Maris Racal and Malou de Guzman na aniya ay “deserved to get a Best Supporting Actress.”

Pero lahat sila ay hindi nominated.

Direk Mike

Dagdag niya pa : “Gusto kong i-share ‘to sa nanay ko. May award na tayo, mabigat na mabigat… Inaalay ko ‘to sa aking asawa na si Ion Perez, siya ang pinakamasaya. At inaalay ko ito sa mga bahagi ng LGBTQIA+ community, para sa ating lahat ito

“Maraming salamat sa Metro Manila Film Festival at kinikilala n’yo ako at ang kakayahan ko, isang baklang performer.”

‘Yun pala may ‘explanation’ naman ang nasabing citation, hindi lang nabasa ni Dennis.

Joseph Estrada

Anyway, na-nominate rin si Vice Ganda sa Best Actor category kasama sina Seth Fedelin, Vic Sotto, Piolo Pascual, Arjo Atayde, na napanalunan ni Dennis Trillo.

Pero totoo bang ang theater owners ang nag-request na bigyan siya ng special citation dahil ang pelikulang And the Breadwinner Is... ang number 1 sa 10 official entries?

Diumano’y inilaban ito ng theater owners kaya medyo na-delay pa ang deliberation ng jurors noong Biyernes ng umaga.

Trending kahapon sina Vice Ganda and Eugene Domingo ganundin ang MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer na naglabas ng statement tungkol sa mga nagpoprotesta sa naging resulta ng Gabi Ng Parangal. Idiniin ni Noel na walang naganap na “cooking show show” o lutuan sa awards night.

“YOU MAY AGREE OR DISAGREE WITH THEIR CHOICES … but the integrity of each and every member of the Jury since we took charge in 2016 , especially on this 50th Edition of the MMFF cannot be assailed.

“They have exhaustively deliberated and decided on the nominees and the winners from 9am-4:30pm yesterday … No leaks, definitely no cooking show … only the Jury Chair and the MMFF Executive Director knew the results, not even I or any member of the Execom.

“Rest assured, there was due process and the judgment was fair and sound AND FINAL!!! #MMFF50 #MMFFSpokespersonDuties #MabuhayAngPelikulangFilipino,” buong post ni Noel kahapon na pinag-usapan sa social media particular na sa Twitter (X na ngayon) kaya naman nag-trending pa siya.

Bukod kay Aga Muhlach, hindi rin nominado for Best Actress si Julia Barretto ng pelikulang Hold Me Close.

Ganundin si Direk Dan Villegas, direktor ng Uninvited, gayundin si Jun Lana for And The Breadwinner Is…

Walang nakuhang award ang Uninvited maliban sa Best Float, ka-tie pa ang Topakk habang ang Hold Me Close ay zero as in wala at all at kahit sa Best Float ay hindi ito nominated.

Ginawa ring isyu sa Gabi ng Parangal ang hindi pagka­panalo ni Zig Dulay bilang Best Director gayung Green Bones ang Best Picture at nag-uwi ng maraming award.

Anyway, gabi ng Green Bones ang 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal sa Solaire Resort & Casino nitong Biyernes.

Narito ang kumpletong nanalo:

Best Visual Effects: Riot Inc. (The Kingdom)

Best Child Performer: Sienna Stevens (Green Bones)

Best Musical Score: Vincent De Jesus (Isang Himala)

Best Sound for the movie: Ditoy Aguila (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)

Best Original Theme Song: Ang Himala ay Nasa Puso by Juan Carlos (Isang Himala)

Best Editing: Vanessa Ubas de Leon (My Future You)

Best Cinematography: Neil Daza (Green Bones)

Best Production Design: Nestor Abrogena (The Kingdom)

Best Supporting Actress: Kakki Teodoro (Isang Himala)

Best Supporting Actor: Ruru Madrid (Green Bones)

Breakthrough Performance: Seth Fedelin (My Future You)

Special Jury Citation Award: Vice Ganda

Best Screenplay: Ricky Lee and Anj Atienza (Green Bones)

Fernando Poe Jr. Memorial Award: Topakk

Gatpuno Antonio J. Villegas Award: The Kingdom

Best Actor: Dennis Trillo (Green Bones)

Best Actress: Judy Ann Santos (Espantaho)

Special Jury Award: Topakk, Isang Himala

Best Director: Crisanto Aquino (My Future You), Michael Tuviera (The Kingdom)

4th Best Picture: Isang Himala

3rd Best Picture: My Future You

2nd Best Picture: The Kingdom

Best Picture: Green Bones

Lifetime Achievement Award: Former president Joseph “Erap” Ejercito-Estrada

Best Float: Topakk, Uninvited

Gender Sensitivity Award: And the Breadwinner Is…

Show comments