^

PSN Showbiz

Ion, natakot manalo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ion, natakot manalo!
Ion Perez

Inanunsyo ng It’s Showtime host na si Ion Perez na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo sa pagka-konsehal sa Concepcion, Tarlac.

“Sa mga kalugar ko diyan sa Concepcion, una po maraming salamat sa tiwala at suporta niyo na ibinigay sa akin. Pinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo o tutuloy bilang konsehal ng Concepcion,” sey ng karelasyon ni Vice Ganda.

Gusto raw muna niyang paghandaan bago siya tumakbo sa public office para hindi raw siya mapahiya at makapaglingkod nang tama.

Nagpasalamat siya sa tiwala at hu­mingi siya ng paumanhin.

Pinuri naman siya ng netizens ay dapat daw tularan pa siya ng ibang mga celebrity at influencer na pinasok ang pulitika kahit walang alam sa batas.

Mas bongga. Baka nga natakot manalo.

Maris, sinagot ang couple shoes nila ni Anthony!

Sinagot ng aktres na si Maris Racal ang intriga sa kanila ng ka-love team na si Anthony Jennings.

Naiintriga ang dalawa na totohanan na raw ang relasyon nila lalo na ngayong pareho na silang single matapos ang hiwalayan ng aktres kay Rico Blanco habang si Anthony naman sa non-showbiz girlfriend nito.

Nilagyan din ng kulay ng mga netizen ang pagkaka-twinning nila ng sapatos sa kumalat na litrato noong magkasama sila sa Italy kung saan nagshu-shoot ang ginagawa nilang teleserye na Incognito, na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.

Nang matanong ni MJ Marfori si Maris tungkol sa kanilang matchy-matchy na sapatos ay diretsahan niyang sinagot na nagkataon lang daw talaga dahil matagal na raw siyang merong ganung sapatos.

Natawa na nga lang daw siya sa nangyari pero ulit niya ay nagkasabay lang daw talaga silang gamitin ang sapatos nila.

Depensa naman ng ibang netizen ay uso kasi ang Samba shoes at marami na talagang may ganun.

Maaalala ring nadagdagan ang ispekulasyon ng mga marites na may namamagitan sa magka-love team dahil sa mga cryptic post ng ex ni Anthony na non-showbiz.

Wala pa namang inaamin sina Maris at Anthony at hirit nga ng ibang fans ay hayaan na lamang ang dalawa lalo na ngayon at single naman na sila pareho.

Bongga.

ION PEREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with