^

PSN Showbiz

Anne, impressed sa malaking boobs ni Xyriel

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne, impressed sa malaking boobs ni Xyriel
Xyriel Manabat

Pinatahimik ng aktres na si Xyriel Manabat ang basher niya na pumuna sa kanyang boobsie.

Ipinost nito ang mga litrato niya kung saan lutang ang kaseksihan at litaw ang cleavage na suot ang isang tube.

Nagkomento ang pakialamerang netizen sa kanyang post na pwede raw ba itong bawasan dahil parang ang bigat dalhin na ang tinutukoy ay ang boobs niya na aminado naman siyang oversized kumbaga. Na niresbakan niya agad at sinabing “di ba pwedeng manahimik, parang ang stupid magcomment e.”

Sinabi na nga nito noon na naiintindihan daw naman niya ‘yung iba na dream nila ang ganoon kalaking boobs. Pero siya raw personally, sobrang attracted siya sa mga babaeng flat-chested kasi ang ganda raw ng mga itong damitan.

Sumasakit daw ang kanyang likod at nakukuba raw talaga, at mahirap daw humanap ng matinong posisyon kaya hindi raw madaling magkaroon ng malaking boobs.

Kaya kung papipiliin daw talaga siya ay mas gusto niya na lang maging flat-chested.

Marami naman ang naka-relate sa kanya na hirap din daw sa mala­king boobs lalo na sa height ng gaya ni Xyriel na 5 feet ang height.

Ang ibang netizen naman ay sinabing huwag na raw sanang mag-post ng mga sexy photo ang aktres dahil magaling na raw itong aktres at mas ok raw kung iyon ang pag-usapan tungkol sa kanya.

Wala namang duda sa kaseksihan at ganda niya dahil pati nga ang It’s Showtime host na si Anne Curtis ay napakomento sa post niya.

Mukhang sobrang natuwa nga si Xyriel dahil napansin siya ng nanay ni Dahlia na isa rin sa mga dyosa sa showbiz.

Kaya dedmahin na lang niya ang mga pakialamera sa social media at magpaganda pa lalo.

Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

TRENDING

XYRIEL MANABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with