Zanjoe, suwerte!

Zanjoe Marudo at Sylvia Sanchez

Aliw ang mga netizens sa pagiging lola ni Sylvia Sanchez.

Pinakita nga nito ang mga pinamili niya sa sa kanyang unang apo kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo!

Makikita sa photo and video niya ang pila-pilang paper bag na pinamili niya sa isang high end department store habang karga-karga ang apo na hindi pa rin nakikita ang mukha.

Napaka-suwerte raw ni Zanjoe dahil sa mother-in-law niya na madatung.

Hindi talaga ang baby ang masuwerte kundi si Zanjoe. Hahaha.

“Stress-free day with my little Boss and Daddy Z @onlyzanjoemarudo,” caption ni Sylvia sa post niyang inulan ng puso ng kanyang followers.

Show comments