KimPau, nag-umpisa na sa kanilang ‘love’

Paulo Avelino at Kim Chiu

Bongga, nag-umpisa na pala sina Kim Chiu at Paulo Avelino ng shooting para sa kanilang ina­abangan na unang movie project.

Sa isang Instagram post nga, nag-upload ang Star Cinema ng larawan ng isang movie clapperboard para sa pelikulang My Love Will Make You Disappear, kasama ang direktor na si Chad Vidanes.

Kaya hindi kataka-taka kung magkakalapit pa lalo sila.

Pero sa totoo lang, wala namang masama kung magiging sila noh. Or sila na ba?

Walang magagawa ang mga  fans nila sakaling umabot sa ser­yosohan ang kanilang relasyon noh.

Pareho silang single, nasa tamang edad at kung talagang sila, belat ng mga kumukontra.

Pag nagkataon suwerte ni Paulo ha.

Siyempre, mayaman si Kim dahil ang dami niyang mga endorsement plus tiyak na malaki na ang ipon niya noh.

Eh si Paulo, may 14-year-old son kay LJ Reyes na may sariling pamilya na sa New York.

Naku basta, i-wish natin ang KimPau na maging successful ang ginagawa nilang pelikula dahil tiyak na nakakakilig ito.

Nauna na nilang pinagtambalan ang Linlang at ang local adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim na parehong bongga ang pagtanggap ng mga fans.

Kaya wait natin ang My Love Will Make You Disapper.

Sa title pa lang, alam na nating kilig movie ito at good vibes only.

‘Yun lang at babu na.

Show comments