Quizmosa ng GMA at TV 5, may salpukan

Quizmosa hosted by Ogie Diaz

Bukas pa lang, (Miyerkules) ang magaganap na press conference ng bagong programa ng TV5 na Quizmosa hosted by Ogie Diaz, pero ito pala ang bagong segment ng variety show ng GMA Network na TiktoClock!

Yup, bukod nga raw sa exciting time-limited games at tapatan ng mga mahuhusay na singer sa Tanghalan ng Kampeon, may ipakikilala ring bagong segment at laro ang show. ‘Yan ang  Quizmosa, kung saan makaka-chismis ka na, may cash prize ka pa!

Paano kaya ‘to?

Nagpasalamat na rin ang kaibigang Ogie sa aniya ay bagong challenge sa kanyang buhay.

Aniya sa isang post : “Kinakabahan ako. Charot. Pero wa echos, nae-excite ako kasi panibagong challenge ito sa buhay ko.

“Kung kelan naman nagkakaedad na, saka naman nabibigyan ng mga ganitong pagkakataon, choosy pa ba? Hehehe.  Thank you, Papa God!

“Samahan nyo kami nina Jegs Chinel, Ton Soriano, ha?

“Thank you sa TV5 sa pasabog na pag-welcome. Me pa-billboard pa silang nalalaman, kaya sana, ma-meet namin ang expectations ng management.

“Yes, bago pa ho ako nakipag-meeting sa creatives ng TV5, nagpaalam po ako sa aking nirerespetong Channel Head ng ABS-CBN, si Tita Cory Vidanes, at nakakuha naman tayo ng basbas, kaya thank you, Tita Cory! I love you!.”

Tiyak na may sagot dito ang TV5, sa gaganaping presscon bukas.

Show comments