^

PSN Showbiz

Jodi, may pakiusap sa mga botante

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jodi, may pakiusap sa mga botante
Jodi Sta. Maria
STAR/ File

Nagbigay ng paalala ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria tungkol sa pagboto sa gaganaping eleksyon sa susunod na taon.

Nag-post ito tungkol sa kanyang morning thought at sinabing “We may not have control over who runs for public office, but our strength lies in wisely choosing those deserving of our trust. Make informed choices.”

Sinang-ayunan naman siya ng netizens na sana this time ay maging critical na ang mga tao sa pagboto at maipanalo ang mga tunay na karapat-dapat at may malasakit sa bayan.

Sunud-sunod kasi ang pag-file ng certificate of candidacy ng mga celebrity at pati na rin ang content creators at social media influencers ay pinasok na rin ang pulitika.

Pia na-call out, nag-unfollow sa luxury brand?!

Naging usap-usapan ang pag-unfollow ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isa’t isa.

At ngayon sinasabing may bagong isyu ang ibang marites na nakabantay na meron daw diumano finollow ang beauty queen na PR head ng isang luxury brand na never nitong fino-follow porke’t nag-post ang misis ni Sen. Chiz Escudero pero bigla raw nitong in-unfollow ang brand at si Heart nang ma-call out siya kamakailan.

Naakusahan pa siya na lagi raw ito nakabantay sa ganap ng Kapuso actress.

Dinepensahan naman si Heart ng mga nagsasabing threatened ito sa ibang Pinay na nakakapasok sa mga Fashion Week dahil supportive at welcoming naman daw talaga ito gaya na lamang kina Anne Curtis, Sofia Andres, Kelsey Merritt at iba pa.

Talagang nasaktan lamang daw ito sa ginawa ng dati niyang glam team na hinire ni Pia.

Maaari raw malalim ang pinanggagalingan nito at may ginawa raw talaga si Pia parang maging ganito si Heart.

Naalala pa ng mga tagahanga na si Heart naman talaga ang inspirasyon ni Pia ever since at nag-post pa siya ng “Heart made me do it” trend noon pero binura raw nito.

vuukle comment

JODI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with