Delia, may casting call!

May pasabog ang Newport World Resorts sa theatergoers sa 2025 sa pamamagitan ng pinakabago, pinakamalakas at pinakabonggang produksyon na may titulong Delia D: A Dragtastic Musical.

Ang inaabangang musical na ito ay ang ika-11th major theatrical masterpiece mula sa Newport World Resorts’ production outfit na Full House Theater Company, na nagtatampok sa iconic songs mula sa songwriter at music producer na si Jonathan Manalo.

Ito na ang pagkakataon ng mga kayang magpakita ng diva realness at talent sa entablado.

Ang audition para sa Delia D: A Dragtastic Musical ay gaganapin sa Oct. 8, 2024, Tuesday, sa Newport Performing Arts Theater. Magsisimula ang registration ng 9 a.m. at magtatapos ng 4 p.m. sa entrance ng El Calle Food & Music Hall.

Ang nationwide casting call na ito ay inaanyayahan ang mga theater enthusiast, edad 17 hanggang 50 taong gulang, na may talent sa pagkanta at pagsayaw.

Para sa singing audition, ang mga candidate ay dapat maghanda ng 32 bars mula sa kanilang paboritong musical na magha-highlight sa kanilang vocal range.

Ang dance audition portion ay kinakailangan ng pag-aaral at pag-perform ng routine on the spot. Ang mga aplikante ay dapat magdala ng CV at 3R photo, at dapat ay available mula Feb. 1, 2025 hanggang June 30, 2025, para sa rehearsals at performances.

Nagsimula ang ingay para sa bagong musical nitong Hunyo, nang ipakita ng Newport World Resorts ang sneak peek sa final curtain call ng Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical.

Para sa karagdagang impormasyon sa Delia D: A Dragtastic Musical, bisitahin lamang ang www.newportworldresorts.com at i-follow ang @newportworldresorts at @nwr.musicals sa Facebook, Instagram, at TikTok.

Show comments