^

PSN Showbiz

BINI at mga top artist, ka-join sa G FEST 2024

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
BINI at mga top artist, ka-join sa G FEST 2024
BINI

MANILA, Philippines — Handa ang Globe na magpasigla ng kabataang Pilipino sa pamamagitan ng G FEST 2024, isang nag-aalab na three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao nag-uugnay sa musika at pagkamalikhain upang magbigay-inspirasyon sa katapangan at pagpapalaya sa sariling pagpapahayag.

Sa G FEST ngayong taon, bahagi ng annual G Day festivities na tatak ng iconic Globe prefix 0917, ay layuning bumuo ng mas malalim na koneksyon sa mga customer habang pinayayaman ang kanilang pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad at exclusive awards.

Ang G FEST ay nagsisilbing platform sa kabataang Pilipino upang maipahayag nila ang kanilang sarili at sundin ang kanilang passion, sa hindi pangkaraniwang pagkakataon na makasama ang kanilang mga idolo sa entablado.

Magsisimula ang event sa Sept. 22, 2024, sa SMX Convention Center sa Pa­say City, na naghahandog ng kapana-panabik na lineup ng mga atraksyon at sorpresa. Maaasahan ng mga dadalo ang mga nakakaengganyong workshop at nakakabighaning musical performances, at pag-showcase ng mga artist merchant na binuo ng Patrons of the Arts.

Ilan sa highlight nito ay ang lineup ng mga live set ng top artists na BINI, Denise Julia, Jason Dhakal, SunKissed Lola, at ASTER sa Cou­rage Stage.

Pwede ring sumali ang mga manonood sa “Go Lang Nang Go” workshops, kung saan maaari silang matuto ng performance art mula sa mga kilalang personalidad sa industriya.

Pangungunahan ng BINI Coaches na sina Mickey Perz, Reden Blanquera, at Matthew Almodovar ang Dance Like BINI session, na tuturuan ng choreography ang fans para sa Cherry On Top, na latest hit ng nation’s girl group. Makikiisa rin ang singer-songwriters na sina Denise Julia at Jason Dhakal sa lineup upang magbahagi ng mahahalagang pananaw sa How to Be a Pop Star.

Hinihikayat ang mga Globe customer na i-redeem ang kanilang passes sa pamamagitan ng GlobeOne app, upang makuha ang access sa lahat ng experiences at activities na naghihintay sa kanila.

 Sa mga hindi makakadalo, ipapalabas ito nang live sa Globe’s Facebook at YouTube pages sa Sept. 22, 2024, na magsisimula ng 6 p.m.

Itutuloy naman ng G FEST ang misyon nitong maging inspirasyon sa kabataan sa pamamagitan ng additional legs na nakatakdang isagawa sa Oct. 5, 2024, sa Iloilo Convention Center, at sa Nov. 16, 2024, sa SMX Convention Center, Davao City.

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with