Ken, forever ang kapalaran sa kulungan?!
Nang unang i-post ni Ken Chan ang latest post niya sa Instagram na may caption na “Monchhichi,” na parang bag charmer at nakasabit sa kanyang bag, open pa ang comment box ng IG nito. Kaya nakapag-comment pa ang fans at followers na miss nila ang aktor at sinabihan nila itong bumalik na ng Pilipinas at balikan na ang kanyang career.
Noong araw na i-report na hinainan siya ng warrant of arrest sa kanyang bahay, in-off ni Ken ang comment box ng kanyang IG. Tila, matagal bago uli siya mag-post at kung mag-post man, naka-off pa rin ang comment box.
Wala na rin sa IG stories ng aktor ang pinost niyang Statue of Liberty na sign daw na baka nasa New York ito. Comment ng netizens, kung nagtatago siya, mali ang ginawa niyang pagpo-post ng Statue of Liberty dahil malalaman kung nasaan siya.
Sa X naman (formerly Twitter), Oct. 14, 2024 ang last post niya at kaya siya nag-post para magpasalamat sa Pasado sa pagkakapanalo niyang Pinakapasadong Aktor para sa pelikulang Papa Mascot.
Kundi kami nagkakamali, siya rin ang producer ng pelikula at isa ang pagiging film producer sa mga pinasok niyang negosyo. Kaya bukod sa resto, may film outfit pa siya at iba pang negosyo.
May mga nag-comment na nagmadali siyang yumaman, sinabay-sabay ang pagpasok sa negosyo na hindi naman daw nito matutukan nang husto. Marami kasi siyang ibang ginagawa, sana raw may nakapagpayo sa aktor na hinay-hinay lang at darating din siya sa gusto niyang marating.
Syndicated estafa ang kaso niya at non-bailable at ibig sabihin, kapag nahuli siya, hindi siya puwedeng magpiyansa. Forever na siyang makukulong, kaya paano na siya at ang kanyang pamilya?
May nag-comment na kung buhay lang si German Moreno, tiyak na tutulungan nito si Ken at hindi siya magkakaganyan.
Iceberg chair nila Jinkee, halos isang milyon
Bukod kay Heart Evangelista, si Jinkee Pacquiao ang alam nating may Iceberg chair na worth P735,333.45. Naka-post sa Instagram ang expensive chair na nakalagay sa bedroom nila ni Manny Pacquiao. Ang cute lang ng isang photo dahil si Manny ang nakaupo.
Makikita rin sa post ni Jinkee na katabi ng Iceberg chair ang isang mamahalin ding sofa at nakalagay ang collection ni Jinkee ng Labubu at Pop Mart dolls at marami na sila.
Sosyal dahil sila lang siyempre ang pwedeng umupo.
Priscilla, nawala ang taba sa likod
Iba’t iba ang mababasang comment sa Instagram ni Priscilla Meirelles patungkol kay John Estrada. Comment gaya ng she deserves a hotter husband than John at marami ang sumang-ayon sa kanya. May in-update pa ang comment at ang sabi, “You deserve a decent intelligent husband.”
Pero, pinakamagandang comment ang “She deserves her best self” at ‘yun ang ginagawa ngayon ni Priscilla, ang self-love.
Nagwu-work out at napansin ng kanyang followers na pumayat na siya. Nabanggit din nito na kaya na niyang magsuot ng shorts at nawala ang cellulites niya sa likod. Ang payo raw sa kanya ng kanyang coach ay araw-arawin ang pagwu-work out.
- Latest