^

PSN Showbiz

KaladKaren, natupad ang kasal sa ulap!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
KaladKaren, natupad ang kasal sa ulap!
Luke Wrightson at KaladKaren

Ang bongga naman ni KaladKaren na lang kay Luke Wrightson sa England.

Ibinahagi ng Drag Race Philippines judge ang mga litrato nila na tinawag niyang ‘Wedding in the clouds’ na ginanap sa Scarborough, North Yorkshire sa England.

Suot ni KaladKaren ang isang mermaid cut wedding gown na gawa ng Filipino designer na si Francis Libiran na nagpalutang ng kanyang ganda at kaseksihan habang ang mister ay suot ang isang white tuxedo na may black accents at naka-black slacks.

Pinangarap daw nila ng kanyang groom na maganda at maaraw ang panahon ng kanilang kasal na ginanap sa isang cliff top wedding venue. Dapat daw ay pinakamagandang overlooking views ito sa lugar pero hindi nangyari ang inaasahan nila dahil nabalot ng makapal na fog ang lugar. Zero visibility raw talaga na one in a million chance raw at sa kasal pa nila natapat ito.

Kung sinasabi ng iba na hindi raw sila sinuwerte, ang makasal sa kanyang love of her life habang napapalibutan ng mga kaibigan at pamilya ay pakiramdam daw niya ay luckiest woman alive na siya.

Hindi siya nagpaapekto sa fog dahil mas mahalaga sa kanya ang seremonya kaysa sa lugar.

At sino pa nga raw ba ang makapagsasabi na kinasal sila sa ulap, kundi siya lang.

Ang ganda pa rin nga ng kinalabasan dahil sa fog na nagpa-dreamy sa kasal at mala-magical ang mga litrato nila.

Naging inspirasyon nga si KaladKaren ng mga gaya niyang trans at umaasang makikilala nila ang tamang lalake na makakarelasyon at pakakasalan nila sa tamang panahon. Siya raw ang tumupad sa pangarap ng marami sa kanilang komunidad.

Maaalalang dalawang beses na-engage si KaladKaren kay Luke sa London.

Bongga ka, Day.

vuukle comment

TRENDING

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with