^

PSN Showbiz

Elijah, walang pake sa maselang salita habang nagbabasa ng libro ni Ricky Lee

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Elijah, walang pake sa maselang salita habang nagbabasa ng libro ni Ricky Lee
Elijah Canlas

Ang daming tao sa Ricky Lee book launch sa Manila International Book Fair at talagang star studded ang naging  turn out.

At grabe lang yung impact nu’ng kay Elijah Canlas na walang pake kahit sabihin pa ang mga maseselang salita tulad ng seks at chupa sa maraming tao. Totoo bang ramdam na ramdam niya ito lalo pa’t buhay na buhay pa sa kanya ‘yung issue ng ganitong pang-aabuso sa mga kasamahan niya sa Philippine School for the Arts?  Hindi kaya mabuhay ulit ang issue du’n lalo pa’t ang lakas ng usaping sexual harassment sa workplace na naging flavor-of-the-month sa Senado?

Himala, inuulan!

Nag-first day na kahapon ang Himala, the Musical Film. Kumusta kaya ang naging  shoot nila sa Ilocos? Sana hindi ito mabulabog ng pag-uulan - dahil marami sa mga prospective MMFF entries ang nabibinbin ang shoot dahi sa pagpa-pack up dahil sa bagyo at baha.

Ang tanong ng mga produ, puwede kayang tumawad sa deadline ng submission of entries, lalo na yung mga naantala dahil sa pag-ulan?

Career ni Liza, may hope pa?

With Liza Soberano out of Careless Music ma­nagement, ang tanong ng madlang pipol, ano na ang mangyayari sa career nito sa ‘Pinas man o sa abroad?

Pang Pilipino nga ba si Liza? Ok pa ba sila na mag reunion project ni Enrique Gil na tila magsusubok na namang mag-solo sa isang horror film after the much hyped but so-so lang na I Am Not Big Bird movie?

Pagkatapos nang lahat ng nangyari sa kanya, excited pa ba tayo kay Liza Soberano? May hope pa ba?

Giyera, hindi gumana?

Naku, ano na ang nangyari sa ratings ng Pulang Araw at Widow’s War? Parang nahila na sila talaga pababa ng mga katapat nila to think na may Netflix component din ang mga ito!

So, nag work ba na may giyera noong panahon ng bagyo? Parang hindi ah!

Lesson learned: bawal magback-to-back giyera at delubyo! Ayaw ng tao!

Nakakataquote:

“Gawa lang yan ng mga namumulitika. Mga undying bashers na hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila… Wala po akong anak. Wala pa po kaming anak ni Maine…” - Arjo Atayde shots back sa mga basher na sinasabing hiwalay na at may anak na sila ni Maine

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with