^

PSN Showbiz

First son, may jowang Kapuso actress

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Aabangan namin ang GMA Gala 2024 na mangyayari this Saturday para malaman kung sinong Kapuso actress ang darating na ang escort ay isa sa mga anak nina President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.

May nagtsika kasi sa amin na nakita ang isa sa mga anak ni Pres. Marcos na may ka-holding hands sa hindi namin naitanong kung saang lugar. Nag-focus kami sa sinabi ng aming kausap na Kapuso actress ang ka-holding hands ng anak ng presidente ng bansa.

Malay natin at mag-out ang dalawa at sa GMA Gala 2024 nila gawin ‘yun.

Matipid lang magkuwento ang aming kausap dahil ayaw magbigay ng clue kung sino sa tatlong anak ng presidente ang may ka-holding hands.

Lalong hindi ito nagsalita nang hingan namin ng clue ng Kapuso actress Kaya, ang gagawin namin, tumutok sa livestream ng GMA Gala 2024 at baka dumating sila na magka-holding hands din.

Aga at Charlene, binabantayan ang trabaho ng kambal

Ang cute nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, nagturuan kung sino sa kanila ang disciplinarian sa mga anak nilang sina Andres at Atasha. Isa sa naitanong sa couple sa mediacon ng Da Pers Family kung sino sa kanila ang mas madisiplina sa kambal.

Pero nang tanungin ang kambal, “same” ang parehong sagot. Ayon kay Atasha, parehong disciplinarian at spoiler ang parents niya na sinegundahan ni Andres. Ayon naman kay Aga, firm lang siya sa kanyang decision. Saka, ang desiyon niya, kailangan may approval ni Charlene.

Anyway, itong pagpasok nila sa showbiz ay ikinagulat nina Aga ay Charlene. “Nagulat ako nang one day, sabi ng mga bata, gusto nilang mag-showbiz” na of course, pinayagan nila dahil tapos na naman sila sa kanilang studies.

Ayon naman kay Aga, “It’s very important na nanggaling sa kanila ang desisyon na gusto nilang mag-artista. Hindi namin sila pinilit at hindi inutusan. Dahil gustong mag-showbiz, pinayagan namin.”

Nakikita nila sa Da Pers Family kung paano magtrabaho ang mga anak, nakokorek kung may mali sa acting at delivery ng dialogue at nabibigyan ng suporta na kailangan nila.

Bukas na, July 21, 7:15 p.m., sa TV5 ang premiere ng Da Pers Family sa direction ni Danni Caparas at sa script ni Randy Reyes. Kasama sa cast sina Roderick Paulate, Bayani Agbayani, Chad Kinis, Sam Coloso,Heart Ryan, Kedebon Colim, at Ces Quesada.

Bianca at Ruru, nagpaparamdam na ng kasal?!

Tila nagpaligsahan sina Ruru Madrid at Bianca Umali kung sino ang may mas magandang anniversary message sa isa’t isa sa kanilang sixth anniversary.

Mas sweet ang message ni Bianca kesa kay Ruru, kaya ang anniversary message niya sa boyfriend ang aming isinulat.

Sabi ni Bianca, “Mahal ko- Jose,

“Araw-araw pinili, pinipili at pipiliin ko- IKAW at ang buhay na kasama ka.

“Nais kong ipaalam sa iyo na ikaw ang nag-iisang nagpatibok ng aking puso. Hindi ko kailanman naisip na magkakaroon ako ng pagkakataon na magmahal at mahalin ng ganito.

“Mula noong makilala kita, ang buhay ko ay tila nagkaroon ng bagong kulay at sigla. Salamat sa lahat, Mahal ko, sa mga araw na tayo ay magkasama.

“Alam kong hindi perpekto ang buhay natin, pero kasama ka, ramdam ko na kaya nating malampasan ang lahat.

“Anim na taon na tayo ngayon. Habang buhay naman ang sunod.

“Mula sa kaibuturan ng aking puso, hinding-hindi kita iiwan.

“Nagmamahal sayo,

“Maria”

Nagbibigay raw ng marriage vibes ang palitan ng mensahe nila at nabanggit naman ng dalawa na minsan, napag-uusapan na rin nila ang kasal. Kaya lang, may mga project pa sila na dapat unahin.

Si Ruru, sa pagtatapos ng Black Rider, paghahandaan naman ang Book 2 ng Lolong. Si Bianca, ginagawa ang Sang’gre.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with