^

PSN Showbiz

Tuloy ang pagbuga! Chloe, sinumbat-sumbatan ang nanay ni Caloy

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Tuloy ang pagbuga! Chloe, sinumbat-sumbatan ang nanay ni Caloy
Chloe San Jose at Carlos Yulo

Bumuga na naman pala si Chloe San Jose (na ang tawag ngayon ay Miss Havana Goldilocks) after mag-guest sa ASAP na hindi naman nakatulong sa ratings noong Linggo.

Nag-comment kasi ang ama ni Carlos Yulo sa recent post nito na papunta ito sa Paris bilang suporta sa mga atleta sa Paralympics. Ang sabi ng ama ni Caloy: “Masaya ako sa nara­ting mo nak pero dapat mag-sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong magnanakaw para luminis yang imahe mo,”

Parang hindi nakapagpigil si Chloe at sinagot ito ng: “Pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa Olympics last year... :))”

Dagdag pa nito, sinabi pa raw diumano ng ina na “hinding hindi na mananalo si caloy” sa laban. “Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay Caloy ay hinding-hindi na po mananalo si caloy”

Pahayag ni Chloe, “matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito? Kumambyo ito sa huli at sinabing “pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po.

“godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, gui­dance and love from HIM.”

Nakaikot na ng networks si Caloy, nakapunta na ng events pero wala pang komunikasyon sa kanyang pamilya? May ASAP guesting pa pala sa Sunday, parang ang hirap yakapin ang buong istorya ni Caloy, ‘di ba?

Tapos may nag-comment pang netizen sa post na ‘yun ni Caloy:  Bakit daw si Chloe ang sumagot sa ama? “para kay Carlos ang mensahe,anu gnon naba kaduwag c Carlos pra hndi nya maipagtanggol ang sarili nya at need pang ung jowa ang mag react pra sa knya? Or iniisip ata nya mas kya ng jowa nya harapin ang khit sino?My goodness anu na Carlos?”

Isa pang lumutang na pinag-uusapan tungkol kay Caloy ngayon ay ang pagbabawal ng kanyang mentor na si Ms. Cynthia Carrion na pagtawag sa kanya bilang Caloy.

“He’s also known internationally. That’s why I am always insisting for him to be called Carlos, because they know him as Carlos, not Caloy. And he’s known internationally, and when we’re abroad, it’s not only the Filipinos that want pictures with him, even the athletes.”

Madame Cynthia, eh ano bang problema kung tawagin natin siyang Caloy eh Caloy naman siya talaga at Pinoy? May problema?

Mel, naloka sa performance ni Drew

Speaking of maraming baby, nakakatuwa ang reaksyon ni Mel Tiangco sa 24 Oras newscast kay Iya Villania na after two days mag-leave ay preggy na ulit with her Baby # 5 with Drew Arellano!!! Grabe siguro ang performance ni Drew talaga! Five points agad!

Pero comment ng isang press, bakit kaya so-so lang ang performance sa kanya noon ni Ethel Booba? May ganu’n?

Nakakataquote:

“I have a joint account with Atty. Roque po… sa pagkakaalam ko po, Mr. Chair, closed na po ang account na ‘yun,” kalmadong pahayag ni AR tungkol sa joint bank account nila ni Harry Roque sa BPI na may depositong tatlong milyong piso. “Sa pagkakaalala ko kasi, Mr. Chair, that account was used for election po.

“Around P3M or more, Mr. Chair. One transaction. Alam ko that’s the limit, Mr. Chair, ‘yung pinakamalaki po na deposit. Hindi ko po alam if magkano lahat ang pumasok, Mr. Chair. Hindi ko po alam ang total amount [ng pera] na pumasok.”

–Alberto Rodulfo “Ar” Dela Serna, Mister Supranational Philippines 2016. Ipinagtapat ni AR na nagawa niyang mag-withdraw noon ng P1.2 million hanggang P1.8 million kada isang buwan mula sa joint account nila ni Harry Roque for “election purposes” at payroll ng election staff.

vuukle comment

CHLOE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with