^

PSN Showbiz

Anak ng Denjen, may coach na sa gymnastics

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ng Denjen, may coach na sa gymnastics
Dylan.
STAR/ File

Ang bongga naman ng daughter nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Dylan na nag-ala little gymnast.

Ipinakita ng Kapuso star sa kanyang Reel na sinusubukan na ng daughter nila ang basic gymnastics training sa bahay nila. Sa tulong ng isang coach, sinubukan ng bagets ang simple flips, pagbalanse sa beam at pagtalon sa foam pads.

“WARNING: Cutest gymnast in town. Ta-daaaa!” caption ng aktres.

Pinusuan naman ito ng netizens at sinabing hinahanda na raw ng mag-asawa ang anak para sa Olympic. Maganda nga raw ito dahil bata pa lang ay tine-train para kalaunan ay mas gagaling pa ito.

Lutang nga raw ang pagiging cute nito na namana sa kanyang mommy at daddy.

Ang cute raw nito pagkatapos mag-tumbling na parang nagulat pa.

Mas gumaganda rin daw ang mukha nito habang lumalaki na perfect combination ng mukha nina Dennis at Jennylyn kaya hindi imposible na pasukin din nito ang showbiz gaya ng parents niya.

Si Dylan pa lang ang only daughter ng mag-asawa habang merong anak si Dennis kay Carlene Aguilar na si Calix at anak si Jennylyn sa aktor na si Patrick Garcia, si Jazz.

Isa nga sila sa modern family sa showbiz na hinahangaan.

‘Mga online food business, nakakaadik!’

Food ang naging addiction ko mula nang magkasakit ako. Hanga ako sa Fira’s Kitchen at TalabaHub na very professional at reasonable ang presyo. Medyo disappointed ako sa ayaw ng COD at parang magulong kausap.

Balak ko sanang mag-order ng 10 packs lunch pero dahil mara­ming mga hinihingi na mga bagay tinamad na ako at ‘di na tinuloy ang order. Alam mo naman maldita ang assistant ko na si Mel, at ‘pag maraming pinagagawa ‘yung pinag-orderan ko, aayaw na siya agad.

Dahil nga sa naging hobby ko na maghanap ng mga food sa Instagram kaya naman nagkakaroon na ako ng suki.

Naku, sure ako magiging tabatsoy ako at overweight dahil sa kakakain. Kasali pa mga food na padala nina Rubby Coyuito, Rhea Tan at Marivic Larrazabal.

So lucky to have angels like them. Bongga talaga.

vuukle comment

DENNIS

DYLAN

JENNYLYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with