Dingdong, excited sa bardagulan!
Hindi basta-basta ang role ni Dingdong Dantes sa The Voice Kids. Hindi host na nagme-memorize lang ng spiel.
Kailangan niya ngayong mag-adjust sa mararamdaman ng mga batang nangangarap pero hindi napili ng mga coach ng programa.
Kaya wala raw siyang kumbaga ay paghahanda sa gagawin sa programa na mag-uumpisa na ulit mapanood sa Sept. 15.
Bahagi ng coaches team sina Billy Crawford, Stell, Pablo at Julie Anne San Jose.
Kaya excited na siya. The Voice Generation ang naung napanood sa GMA 7 na siya rin ang host.
Pahayag niya sa ginanap na media conference the other day : “Iyong chemistry at bardagulan ng ating mga judge pero right now, syempre meron tayong bagong judge kaya very exciting to see ‘yung sagutan nila, kung papaano nila kukunin ‘yung mga bago nilang mga aalagaan ‘di ba, etc.
“Pero more important thing [is] looking forward tayo rito dahil kids na talaga siya. ‘Di ba nakita natin kung papano ‘yung naging dynamic sa previous season pero ngayon mas magiging interesting siya dahil ‘pag bata na ang involved iba talaga ‘yung nagiging emotion eh. Iba ‘yung nagiging affinity natin sa pinapanood natin,” aniya sa paparating na The Voice Kids na dating napapanood sa ABS-CBN.
“Lalung-lalo na kapag nakikita at nararamdaman natin ‘yung kanilang sincerity. Nararamdaman natin ‘yung kanilang eagerness na makamit talaga ‘yung pangarap nilang maging isang singer. So, para sakin ito ‘yung ultimate na aabangan talaga natin,” pahayag pa ng Box Office King / Hero.
Gets din niya ang magiging crucial na papel ng mga coach. “I believe that the role of our coaches is to guide them through this journey. This is an experience that not everybody will have. Pero in the process of doing all these, marami kang matututunan sigurado lalung-lalo na bilang isang bata.”
Sabi pa niya : “Ayaw natin nadi-disappoint sila. At ‘yun ‘yung mga nangyayari talaga backstage. Kaya kung papaano ako maghahanda sa paparating na blind [auditions] hindi ko talaga alam. I guess ‘yun talaga ‘yung isang bahagi ng show natin na alam nating kailangan mangyari pero the best that we can do is just really comfort them and assure them that this is not the end of their dreams. Marami pa pong pwedeng mangyari. And maaaring siguro isang magandang experience ito para sa kanila [na] makapagtanghal sa entablado,” sabi pa ng mister ni Marian Rivera at daddy nina Zia at Sixto.
Mula Lunes hanggang Linggo ay napapanood na siya sa GMA 7.
Bukod sa pelikula nila ni Charo Santos, active rin siya sa pagiging Philippine Navy reservist na tumutulong sa mga nasalanta ng mga sunud-sunod na bagyong dumating sa ating bansa.
Kamakailan lang ay nagbakasyon ang buo nilang pamilya sa Australia.
- Latest