^

PSN Showbiz

Hirap na hirap na… Willie, tinalakan ang staff sa ere!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hirap na hirap na� Willie, tinalakan ang staff sa ere!
TV host WIllie Revillame
Philstar.com/Jan Milo Severo

Trending si Willie Revillame kamakalawa hanggang kahapon ng umaga dahil sa rami ng nag-react sa pagra-rant nito sa kanyang programang Wil To Win.

Kasisimula pa lang ng programang ito, hindi naitatago ni Willie ang pressure na nararamdaman para mapaganda lang ang kanyang show.

Sa harap mismo ng audience, contestants, at on air ito ay nag-e-emote na siya na hirap na hirap na raw siya sa show na ito.

Siya raw lahat ang gumagawa, at harap-harapang pinagsasabihan ang mga staff.

Ramdam mo tuloy ang pressure sa loob ng studio na tila hindi na alam ng mga staff kung ano ang gagawin.

Wala kaming ideya kung ano ang pinanggalingan ng ipinapakita ni Willie na sa totoo lang, hindi na ito bago dahil kilala na siyang ganun.

Kaya lang, iba ito ngayon dahil kasisimula pa lang ng programa. Ilang araw pa lang ay sunud-sunod na ang pagra-rant niya at paghihimutok.

Nakikiusap na siyang maawa naman daw sa kanya dahil hirap na hirap na raw siya sa show na ito. Paano pa kaya ‘pag umabot na siya ng isang buwan? Magtatagal kaya ito kung wala pang isang linggo ay nahihirapan na siya?

Posible kaya kahit paano ay naapektuhan siya sa ratings na hindi man lang ito nakapantay sa katapat na Family Feud?

Sa pilot episode nito ay naka-2.7 percent lang ito at 9.6 percent ang nakuha ng Family Feud na lalo pang tumaas.

Medyo bumaba ang viewership noong Martes, na naka-8.5 percent ang Family Feud, at ang Wil To Win ay 2.5 percent.

Noong Miyerkules ay tumaas uli ang Family Feud na naka-9 percent ito, pero ang Wil To Win ay lalong bumaba sa 2 percent.

Pero sabi naman ni Wille hindi naman daw siya naapektuhan sa isyu ng ratings.

“Para sa akin, ang ratings kayo,” sabi ni Willie Revillame sa kanyang programa.

“’Yun ‘yung importante. Kung may makikita kayo na ipinapakita nila ‘yung ratings nila na mataas sila, hindi po kami naapektuhan. Kasi ‘yung puso namin magbigay ng saya at pag-asa sa inyo.

“Okay lang naman lahat ‘yan. Ganun talaga. Basta kami tuluy-tuloy kami sa magtrabaho dito sa TV5, ayusin namin mapasaya kayo araw-araw. At ang importante, ang show na ‘to original. Inisip ito para sa inyo, hindi ito binibili sa ibang bansa. Ito po ay habang buhay ‘pag kaya namin, may programa kayo,” dagdag niyang pahayag.

Jennylyn, nagsalita sa alok ng ibang network!

Ang bongga ng inihandang pag-welcome ng Beautederm sa bago nilang endorser na walang iba kundi si Jennylyn Mercado.

Wala talaga kaming kaide-ideya kung sino ang ipakikilala nila, at nagulat nga kaming si Jennylyn pala ito.

Nag-duet pa sina Jennylyn at Ms. Rei Anicoche-Tan na naglalakad sa red carpet patungong stage bago nila pinirmahan ang contract bilang endorser.

Para kay Ms. Rei, pinakamahalaga sa kanya ang attitude bago niya kunin ang isang endorser.

Noon pa man ay may communication na raw sila dahil naging suki pa niya ito sa kanyang A Lister. Napapag-usapan na rin daw nila ni Becky Aguila na kunin niya si Jennylyn. Pero ang pinakagusto raw niya sa aktres ay napakabait daw nito, simple at marunong makisama sa mga tao.

“Napansin ko, ang bait ni Jen. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain. Tapos, barefaced siya. Ay ako lang ‘yung naka-shades, ako lang ‘yung feeling.

“Tapos siya, ay barefaced, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama ‘yung mga staff.

“I did my research na napakabait niya talaga, at very good friend ko rin talaga si Tita Becky,” saad ni Rhea Tan.

Doon na rin sa launching kay Jennylyn ay nalaman naming wala na pala siyang kontrata sa GMA 7. Under negotiation pa raw ang renewal ng kontrata. Pero para kay Jennylyn, mananatili raw siyang Kapuso.

“Palagi naman akong Kapuso. Ang daming nag-aantay nung sagot… ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.

“Meron pa ring ne-nego. Pero mabilis na lang po ‘yan. We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” saad ni Jennylyn.

Hindi raw totoong may alok sa kanya o lumapit siya sa ABS-CBN.

“Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso.

“Wala pong offer sa ibang network,” dagdag niyang pahayag.

Sa ngayon ay nagsimula na sila ni Dennis Trillo sa pagtayo ng kanilang film production.

Nagpapatayo na rin daw sila ng kanilang bahay.

“Blessing ‘yan. Siyempre ‘yung family house namin, ‘yung tinitirhan namin ngayon ay bahay ko pa, ‘yung wala pa akong asawa.

“Lumalaki na ‘yung pamilya. So, kailangan na namin ng mas malaking shelter sa amin.

“‘Yung production naman, ‘yun ‘yung bago naming production, ang Brightburn Productions po. Magpo-produce na rin kami ng pelikula, series, ganyan,” pahayag ni Jennylyn Mercado-Ho.

Siyanga pala, nilinaw na rin sa amin ni Ms. Rei Tan, na bago matapos ang taong ito ay may dalawa pa raw silang bagong endorsers na ilulunsad.

‘Yun ang ating aabangan.

 

 

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with