^

PSN Showbiz

John at Priscilla nagkasundo na maghiwalay muna…aktor sinagot ang relasyon kay Lily Hallman

Pilipino Star Ngayon
John at Priscilla nagkasundo na maghiwalay muna�aktor sinagot ang relasyon kay Lily Hallman
John Estrada at Priscilla Meirelles

Sumagot na si John Estrada sa problema nila ng misis niyang si Priscilla Meirelles.

Naglabas ng official statement si John kahapon kaugnay sa mainit na intriga ngayong hiwalayan nila ng misis na dating beauty queen.

Sa kanyang Instagram Story kahapon ay kinumpirma ng aktor na napag-usapan nila ni Priscilla “to take a break.”

“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now,” umpisa ng statement ng aktor.

Ayon pa kay John, hindi niya gustong masaktan ang mga taong mahal niya. “There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love,” depensa pa niya.

Nilinaw rin ni John na wala silang relasyon ni Lily Hallman, ang babaeng pinangalanan ni Priscilla na diumano’y kasama niya sa bakasyon sa Boracay.

“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather,” paliwanag pa ng aktor.

Sa huli ay nakiusap si John ng privacy dahil ito raw ay isang isyu ng family matter.

“This is a private family matter that’s why l ask for privacy as we deal with this. Thank you!” saad niya.

Sa ibaba ng statement ay naglagay rin ng tatlong praying hand emojis si John.

Kinontra rin ng aktor ang naglabas ng fake quotation/post  niya na diumano ay sinabi niyang “Lalake ako, maraming nagkakagusto sakin kasi matipuno, mabait at gwapo tayo. Anong magagawa ko kung tukso na yung lumalapit, edi tukain!”

Ipinost ni John ang screenshot ng isang social media page na siyang nag-post ng kanyang fake quotation.

“FAKE NEWS” ang caption ni John with angry red face emojis.

Nagbanta rin ang aktor na kakasuhan niya kung sinuman ang taong ito.

“FAKE NEWS, MAG KITA TAYO SA KORTE SOON KUNG SINO KA MAN,” ang hamon ni John.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

JOHN ESTRADA

PRISCILLA MEIRELLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with