^

PSN Showbiz

Priscilla, inilantad ang kasamang babae ni John sa Bora

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Priscilla, inilantad ang kasamang babae ni John sa Bora
John Estrada

Naka-off na ang comment section ni John Estrada sa Instagram account niya, pagkatapos mag-comment ng asawang si Priscilla Meirelles sa isang post niya kamakalawa lang.

Nasa Boracay pa ang aktor na kung saan talagang pini-flex niya kung saang resort hotel siya tumuloy.

Merong isang follower na nag-comment kung sino raw ang kasama ni Rigor (character ni John), si Lena (Mercedes Cabral) o si Marites (Cherry Pie Picache) sa Batang Quiapo ni Coco Martin.

Sumagot doon si Priscilla na may binanggit siyang pangalan ng isang girl.

Na-check ko sa Instagram ang girl na binanggit ni Priscilla pero naka-private ang account nito. Sexy ‘yung girl sa Instagram, at wala kaming ideya kung sa showbiz din ba siya.

Bukod sa comment na  iyun ni Priscilla, meron pa siyang nakakaintrigang comment na mensahe niya sa asawa.

Aniya; “Looking very divorced Mr. Estrada” at naka-tag din ‘yung girl na  binanggit niya sa isang comment.

Nagkaroon ng isyu noon ang mag-asawa na ang buong akala namin ay tuloy na sa hiwalayan. pero naayos.

Ngayon ay mukhang nagkakaproblema na naman sila, at sana maayos pa nila ito.

Pero kahapon din ay nag-post si Priscilla na kuha sa airport kasama ang anak nila ni John.

Dahil sa isyu nila ngayon, parang iba ang ibig sabihin ng nasa caption na “What’s next?! (Brazil flag at airplane na emoji). Nasa hashtag nito ang Brazil at ang lungsod na Manaus sa Brazil. Nasa hashtag din ang #familyvacay at #vacay2024. Kaya puwedeng bakasyon lang iyun, at sana nga hindi niya tuluyang iwan ang Pilipinas at si John.

Matagal na naming kilala si John at isa siya sa nagustuhan namin sa mga alaga ng namayapa nilang manager na si Tito Douglas Quijano.

Show ni Vice sa streaming, balahuraan

Mabuti na lang at may mga streaming service dahil dito namin nahahabol ang mga pelikulang lokal na saglit lang naipalabas sa mga sinehan dahil   semplang sa takilya, pero pagdating sa Netflix, nagna-number one trending.

Kagaya ng pelikulang Pagpag 24/7 na todo rin ang promo ng mga artistang dito na sina Jerald Napoles at Nicco Manalo. Pero nang nag-streaming na sa Netflix, halos isang linggo na siya ngayong nasa number one trending.

Ang tagal na ring nag-streaming ang Mallari ni Piolo Pascual at kaagad itong nag-number one. Ngayon ay hindi pa rin nalalaglag sa top ten trending.  Kaya naman kino-consider na ngayon ng mga film producer ang streaming service bago sila mag-produce ng pelikula.

Nakatsikahan ko sandali si Ms. Rowena Jamaji ng JG Productions, tuloy pa rin daw sila sa pag-produce ng pelikula pagkatapos ng When I Met You In Tokyo. HInihintay lang daw nilang magkasundo sila sa presyo ng Netflix bago sila magsimula.

Mabuti na raw na pre-sold na nila ito sa streaming service para kampante sila sa pagsisimula ng pelikula.

Ang When I Met You In Tokyo ay mapapanood na sa Netflix sa July 29. Pero sa July 19 ay mapapanood muna ang Moro ni direk Brillante Mendoza at ang 12 Weeks na pinagbidahan ni Max Eigenmann. Itong 12 Weeks ay isa sa lumaban sa 18th Cinemalaya noong 2022.

Star-studded ang Moro ni direk Brillante Mendoza na ilan sa kasali rito ay sina Piolo Pascual, Laurice Guillen, Christopher de Leon, Baron Geisler at marami pa.

Hindi ito nakapasok sa Metro Manila Film Festival.

Iyan din ang ginawa ng pelikulang Lolo and The Kid na pinagbibidahan nina Joel Torre at Euwenn Mikael. Pinili nilang huwag nang gumastos sa promo, kaya nag-Netflix na sila.

Kasama rin dito si Iza Calzadio at may special participation sina Meryll Soriano, Joem Bascon, Shaina Magdayao, JK Labajo at Alfred Vargas.

Nasubaybayan ko rin pala ang LOL o Last One Laughing na hino-host ni Vice Ganda.

Nasa 4th episode na ang napanood ko sa Amazon Prime, at nanatiling number one din ito sa naturang streaming service.

Grabe ang ginagawa rito ng mga komedyanteng kasali na umabot na sa balahuraan at nakakadiri na minsan panoorin para lang mapatawa ang mga kasali rito. Nasa streaming service, kaya hindi na dumaan sa MTRCB. Nakakapagmura sila rito at nababanggit pa nila ang private part nila para lang magpatawa.

vuukle comment

ACTOR

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with