^

PSN Showbiz

Aktres, maselan ang pagbubuntis!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Medyo hirap daw ngayon ang celebrity couple sa pag-adjust sa bagong challenge na hinaharap nila.

Ito ‘yung narinig naming nagdadalangtao na si Misis.

Maganda sanang balita, pero nasa maselan pang kalagayan si Misis. Kaya hindi pa muna sila makapag-announce kung ilang buwang preggy na dahil hinihintay lang na maging maayos na ito.

Kaya pinapanalangin ng mga taong malapit sa kanila na maging okay na ito para tuluy-tuloy na ang pagbubuntis at sana maging safe na hanggang sa panganganak.

Hindi na lang namin sila pini-pressure kung mag-a-announce na ba dahil mas gusto nilang tahimik na lang at maayos lang ang pagbubuntis ni Misis.

Sana magiging safe na talaga. Isa rin kami sa nananalanging maging okay na. Para masaya ang kanilang announcement.

Chavit at GMA exec, sikreto pa ang niluluto!

Excited ang businesswoman at philanthropist na si Pinky Tobiano sa pagkuwento sa akin tungkol sa nilulutong malaking project ng GMA Pictures at ng dating Ilocos Governor Chavit Singson.

Naintriga kami sa ipinost niya sa kanyang Instagram story ng meeting nila nina Manong Chavit kasama ang GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Si Ma’am Annette rin ang President at CEO ng GMA Pictures, at mukhang may malaking film pro­ject silang gagawin.

Sabi sa amin ni Achi Pinky, magiging involved din daw siya  sa production, pero ayaw pa niyang sabihin kung ano.

“Surprise! Basta super big project ‘yan. Pasabog!” matipid na text sa akin ni Pinky Tobiano.

Tinext ko rin si Ma’am Annette, pero hindi pa raw puwedeng sabihin ang buong detalye.

Hindi raw ito isasali sa Metro Manila Film Festival, at ang buong akala namin ito na ‘yung biopic ni Manong Chavit pero hindi rin daw.

Nagustuhan daw ng dating Ilocos Governor ang konsepto ng project, at sa title pa lang daw ay gusto na nito.

“Gusto lang niya mag-cameo (laugh emoji),” text sa akin ni Atty. Annette Gozon-Valdes.

Secret daw muna ang iba pang detalye, pero alam naming isang malaking pelikula ito.

Nasa IG live ni Pinky Tobiano na tinatanong niya si Manong Chavit kung gusto ba nitong mag-artista.

“Ah hindi, gusto ko lang makakita ng artista,” natatawang pakli ni Manong Chavit.

Sumali rin sa usapan si Ma’am Annette na marami raw silang mga artistang ipapa-audition.

“Hindi ako puwedeng mag-absent diyan!” natatawang sambit ni Manong Chavit.

Noon pa man ay sinasabi na ni Manong Chavit na gusto na niyang mag-produce ng magandang pelikula.

Pinag-iisipan na ring isapelikula ang kuwento ng buhay niya, pero abangan muna natin kung ano itong exciting na collaboration niya sa GMA 7, at kasali pa si Ms. Pinky ­Tobiano.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with