^

PSN Showbiz

ABS-CBN, wagi ulit sa 2024 Golden Laurel Awards

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, wagi ulit sa 2024 Golden Laurel Awards
Bukod sa parangal na ito, nagwagi rin ang ilan pang programa at perso­nalidad ng content creator network. Kabilang dito ang hit noontime show na  It’s Showtime bilang Best Variety Show, habang ang singing competition nitong Tawag ng Tanghalan ay itinanghal din bilang Best Entertainment Show (Segment).

Itinanghal muli ng Lyceum of the Philippines University–Batangas sa ikapitong sunod na taon ang ABS-CBN bilang Media Company of the Year, bilang pagkilala sa mga kontribusyon nito sa larangan ng entertainment, pagbabalita, at serbisyo publiko sa nagdaang 2024 Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards.

Bukod sa parangal na ito, nagwagi rin ang ilan pang programa at perso­nalidad ng content creator network. Kabilang dito ang hit noontime show na  It’s Showtime bilang Best Variety Show, habang ang singing competition nitong Tawag ng Tanghalan ay itinanghal din bilang Best Entertainment Show (Segment).

Wagi naman ang primetime serye na Can’t Buy Me Love bilang Best Drama Series, pati ang lead stars nitong sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na kinilalang Best Drama Actor at Actress of the Year. Hinirang din sina Maris Racal at Anthony Jennings bilang Breakthrough Loveteam of the Year para sa kanilang SnoRene tambalan.

Hindi rin nagpahuli ang Nation’s Girl Group na BINI na kinilala ng Lycean community bilang Breakthrough P-Pop Group para sa kanilang kontribusyon sa OPM at pagkilala sa international scene.

Samantala, nag-uwi rin ng mga parangal ang ABS-CBN News matapos muling hirangin na Online News Website of the Year ang news.abs-cbn.com, habang ikasunod ding Female Newscaster of the Year ang ipinanalo ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano.

Kinilala rin ang Kapamilya host na si Luis Manzano sa kanyang angking talento sa pagiging digital content creator matapos magwagi ng Innovative Content Creation Award para sa kanyang online show na Luis Listens.

Inorganisa ng LPU-Batangas sa ikapito nitong taon, layunin ng Golden Laurel Awards na kilalanin ang mga institusyon, palabas, at personalidad na nagbigay ng malaking kontribusyon sa industriya ng entertainment sa Pilipinas.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with