^

PSN Showbiz

Xian, nagbigay na naman ng detalye sa nakaraan nila ni Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xian, nagbigay na naman ng detalye sa nakaraan nila ni Kim
Xian Lim
STAR/File

Disyembre lamang noong isang taon nang magkahiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim. Tumagal ng 12 taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Ayon sa aktor ay hindi sila muling nakapag-uusap ni Kim pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan. “Kasi, Tito Boy, to be completely honest, ever since we went our separate ways, hindi pa po kami nakakapag-usap. But of course, when that night happened, maayos ‘yung pag-uusap namin. Of course, mayroong iyakan but there was that assurance na we went through 12 years of our existence. It has that respect,” bungad sa amin ni Xian sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi pa rin alam ng publiko sa ngayon kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayan nina Kim at Xian. “Ang dami kasing kwento, especially ‘yon nga ang mahirap sa isang public relationship. And they’ve been there since day one. No’ng panliligaw pa lang and all the way to more than a decade. People come up with all these lies, kung ano man. But we released our statement na we both decided to part ways. To be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation, ‘yon lang po siya. It’s that simple. I wasn’t the one who initiated the breakup,” paglilinaw ng aktor.

Ikinalungkot ng mga tagahanga ang paghihiwalay ng tambalang KimXi. Naiintidihan umano ni Xian kung bakit marami rin ang nakaramdam ng galit dahil sa kontrobersyal na hiwalayan. “I understand why the suppor­ters are angry. I understand why they feel betrayed. Pero masakit rin ‘yon sa amin. They’re watching us from a distance. Ito kaming dalawa, you know, we have our talks. Nag-usap kami privately. Hindi na kailangan himayin kung sino ang nagkulang. I think the length of it speaks for itself. And ‘yung mga pambabatikos sa akin ng karamihan, I think they should look at it from a lens na, for more than a decade, I never had any… my record is clean, and I’m proud of that. You’re not gonna see me in places you’re not supposed to see me. So ‘yon lang siya. The time speaks for itself. It’s just sad na maraming intrigang lumalabas especially against me and I don’t wanna make it seem like na, ‘Oh, bakit si Xian ang ingay-ingay ngayon? Kung anu-ano ang pinagsasabi because may promo ng pelikula.’ It’s just a very delicate thing and I do understand why people are upset, but we are okay,” makahulugang paglalahad ng binata.

Marian, sugatan

Magbibida si Marian Rivera sa Balota na isa sa mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Cinemalaya Film Festival 2024. Gaganapin ang naturang film festival mula Aug. 2 hanggang 11. Kakaibang karanasan para sa aktres ang paggawa ng naturang Cinemalaya entry. “Nakakakilig, it was a great experience. I want to do it again. I am super excited. I was able to do many firsts. No makeup, direk does not like, or say lines I usually can’t in films and TV series. There’s fight scene I did not ask for a double. I have so many wounds. But it is okay, they will heal. At least I was able to give my best for the film,” nakangiting pahayag ni Marian.

Umaasa ang aktres na magtutuluy-tuloy na ang pagbabalik ng mga mano­nood sa sinehan. Matatandaang tumabo nang husto sa takilya ang pelikulang Rewind na pinagbidahan ni Marian at asawang si Dingdong Dantes. “Ipagdasal nating mabuhay lang lahat ng pelikulang Pilipino. Ang gusto natin maibalik ‘yan sa lahat ng mga tao,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with