^

PSN Showbiz

2 pelikulang tagalog na kuha sa Seoul, nagsalpukan sa takilya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
2 pelikulang tagalog na kuha sa Seoul, nagsalpukan sa takilya!
Kim Molina at Jerald Napoles
STAR/File

Nagbukas kahapon ang dalawang pelikulang Tagalog na parehong kinunan sa Seoul, South Korea.

Ito ang Seoulmeyt na isang romantic comedy na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Sa titulo pa lang ay obvious na may koneksyon sa K-drama ito.

Sabi ni Kid Yambao na bahagi rin sa pelikula, “After po ng Jowable, gusto na po talaga nina direk Darryl (Yap) at Kim na gumawa ng pelikula sa abroad. Romantic comedy po ito, hanggang sa may kurot sa puso.”

Pero mas excited kami sa isa pang pelikulang pinagbidahan naman nina Kelvin Miranda at Kira Balinger, ang Chances Are, You And I na dinirek ni Cathy Camarillo o si direk CC.

Sabi ni direk CC, ang laking challenge sa kanila na kinunan nila ang ilang mahahalagang eksena sa Seoul na nasa winter season pa.

Pero naging madali raw sa kanila at naitawid nila ang shooting, dahil sa tulong ng Seoul Film Commission.

Nilinaw niyang talagang kailangan sa kuwento ang pag-shoot nila sa Korea. Hindi ‘yung basta lang magamit ang naturang bansa para sa mga manonood na mahilig sa K-drama.

Kasabay rin pala nilang nag-showing kahapon ang Under A Piaya Moon na nanalong Best Picture sa Puregold Film Festival.

Maganda rin ang pelikulang ito na likha ni direk Kurt Soberano.

Bastusan, ‘di pa tapos ang laban!

As of presstime, wala pa ring inilabas na statement and Philippine Stagers Foundation kaugnay sa mainit pa ring pinag-uusapang diumano’y pambabastos kay Ms. Eva Darren.

Ang dami nang na-involve sa isyung ito pagkatapos maglabas ng public apology ang FAMAS na sinagot ng pamilya ng veteran actress.

Pero ang hinihintay natin ay kung ano ang saloobin ito ng PhilStagers Foundation ni Atty. Vince Tanada na siyang may hawak ng production nito.

Si Atty. Vince ang direktor ng naturang awarding ceremony at talents niya ang bahagi ng programa mula sa hosts, ilang performers at ang buong production staff.

Kinulit namin kamakalawa si direk Vince para hingan ng pahayag pero late ng gabi na siya nakasagot sa amin.

Aniya, “Sorry po. I’m in the hospital. May surgery po ako. Tomorrow (Wednesday) po lalabas ng statement ang PSF (PhilStagers Foundation) through president Johnrey Rivas.”

Si Johnrey ang isa sa cast ng pelikulang Katips na nanalong Best Supporting Actor sa FAMAS noong 2022.

Siya ngayon ang social media manager nitong katatapos na awarding ng FAMAS.

Nakita namin sa kanyang FB account na may shoutout siyang; “7AM. 7PAGES. 7 QUESTIONS TO BE ANSWERED.

“Regarding FAMAS Issues. Will address everything. My P.O.V. as FAMAS Socmed Manager. No. Filter. The Truth in 3051 words.”

Pero habang tinitipa ko ito, wala pa rin ‘yung ibinabando niyang 7-page statement.

SOUTH KOREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with