^

PSN Showbiz

Pinas, laglag na naman sa Oscars!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pinas, laglag na naman sa Oscars!
Joey Reyes
STAR/File

Inilabas na ng Oscars ang shortlist ng kategor­yang Best International Feature ng Academy Awards o Oscars.

Nagsumite ang 85 na bansa at isa na rito ang Pilipinas na kung saan ay ipinadala natin ang documentary film na And So it Begins na ginawa ni Ramona Diaz.

Unfortunately, hindi ito nakapasok sa shortlist ng 15 foreign films. Nakapasok pa ang pelikula ng Thailand na How To Make Millions Before Grandma Dies.

Nag-hit ang pelikulang ito dito sa Pilipinas na exclusive lang sa SM Cinemas.

Ito ang madalas na ginagawang example ng filmmakers na napakasimple ng pelikulang ito pero ang lakas ng dating. Pinoy na Pinoy ang tipo ng kuwento, kaya naman daw natin gawin ‘yan.

Ang mga ganitong tipo ng pelikula ang napapansin sa ibang bansa. Kaya nung nakapanayam namin si direk Joey Reyes ng Film Development Council of the Philippines, sinasabi niyang dapat na talagang magkakaisa at sa tulong ng gobyerno makakagawa tayo ng pelikulang kayang ilaban sa ibang bansa, isa na nga rito ang Oscars.

“It has to be a united force. Kailangan talaga magtulungan. Alam naman natin sa kalagayan ngayon na medyo down ang pelikulang Pilipino, down tapos biglang bubulaga ang isang bilyon na Hello, Love, Again.

“Dapat na matauhan natin na pupuwede naman pala e. So, kailangan magkaisa sa isang vision.

“So, ano ba ang gusto ng mundo? Alam mo kung alam namin ‘yan, dati pa.

“Ang sa akin lang kailangan na orihinal na Pilipino para sa mundo,” saad ni direk Joey Reyes.

Tinanong din namin ito kay Sen. Imee Marcos na humarap sa kanyang Pandesal Forum kahapon, at may pananaw siya rito.

May pulso si Sen. Imee sa isang magandang pelikulang kayang itapat sa foreign films.

Siya ang nag-produce under Experimental Cinema of the Philippines ng classic films na Himala, Oro, Plata, Mata, at nitong mga nakaraang taon ay gumawa ng Maid In Malacañang ni direk Darryl Yap.

Ayon kay Sen. Imee, “‘Yung Asia Pacific na kuwento handang-handa na ang mundo na makinig sa mga kuwento natin sa Asia Pacific.

“So tama naman ‘yung mga nangangarap na magkaroon ng Oscar. Pero ‘yung totoo, nakamtan na ng mga Pilipino ang Oscar sa larangan ng animation. Halimbawa, marami na ring mga Pilipino nakatanggap ng Oscar diyan. Mga maliliit na…for example, ‘yung mga short film, nandiyan ‘yung Pixar, ang dami ng mga Pilipino ang nakatanggap sa animation. ‘Yun ang totoo.

“Kaya, ang maliwanag handa na tayo talaga, pagkaisahan natin ‘yung kuwentong kakaiba at Pinoy na Pinoy. Importante ‘yun e.”

Pandi mayor at movie producer Enrico Roque, pinupulitika sa kasong rape?!

Nabahala ang ilan sa film industry sa pumutok na balita kahapon tungkol sa pagkahuli sa Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque na sinampahan ng kasong Rape, kasama pa ang dalawang konsehal.

Naka-text ko pa si Mayor Roque sa balitang ‘yan, nagulat siya rito dahil hindi nga raw niya kilala itong nag-akusa sa kanya. Pero ayaw muna niyang magbigay ng pahayag kaugnay diyan dahil hinihintay lang niya ang payo ng kanyang abogado na nag-aasikaso ng kasong ito.

Obvious na politically-motivated ito, pero saka na raw magsasalita si Mayor Roque.

Isa nga sa nag-react ay ang aktor na si James Blanco.

Malapit si James sa alkalde dahil nakatrabaho niya ito sa ilang pelikulang prinodyus nito.

Magkakasunod ang post ni James sa kanyang Facebook account na tila tumutukoy ito sa isyung kinasangkutan ni Mayor Enrico Roque.

Aniya, “Ibang klase kayo talaga! Kung sino pa ‘yung matino at tumutulong sa kapwa sya ninyong sinisira! Hindi na talaga aasenso ang ating bansa kung patuloy kayo sa kahayupan ninyo.”

Meron pa siyang pahabol na, “Baliktad na ngayon kung sino ‘yung tapat at hindi kurakot sa gobyerno s’ya pa ang nagiging masama.”

At heto ang isa pang post na pinapalabas na politically-motivated itong nangyayari ngayon kay Mayor Enrico Roque.

“Nagagawa ninyong magparating ng mali kahit walang katotohanan para lang sa ambisyon ninyong umupo sa gobyerno! Kawawa naman yung totoong nagseserbisyo ng tapat. Diyos na ang bahala sa inyo.”

Si Mayor Roque ang producer ng Cineko Productions na isa sa producers ng MMFF entry ng Quantum Films na Espantaho.

Inaasahan pa naman naming makakadalo si Mayor Roque sa premiere night ng Espantaho sa Biyernes.

OSCARS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with