Heart, nagpa-raffle ng massage chair na worth P500K!
Ang bongga naman ni Heart Evangelista na nagpa-raffle ng isang massage chair na nagkakahalaga raw P560,000 sa team niya.
Talagang all-out ang misis ni Sen. Chiz Escudero sa mga sorpresa sa kanyang team at talagang pinahahalagahan talaga niya.
Ipinost niya sa social media account niya ang video ng mga kaganapan sa party nila at lutang ang excitement ng mga ito.
Hindi nga mawawala ang outfit check niya bago magsimula ang party. At aliw nga na aminado siyang maarte siya.
Sa party, makikita ang mga massage chair na worth P196,000 at P560,000, at cash prize na hindi na niya sinabi na siguradong malaki kaya naka-bleep.
Intimate party ang hinanda niya para sa mga ito na tinawag na Team Heart Christmas Party.
Hindi ganun kabongga ang setup sa party nila pero panalo naman talaga ang mga papremyo niya sa mga ito.
Ito nga ang paraan niya ng pasasalamat sa friendship sa team niya kasama si Michael Leyva na loyal fashion designer niya, at make-up artists niyang sina Albert Kurniawan at Mickey See.
Maaalala ring nakatanggap ang bawat isa sa kanyang team ng Hermes bag noong nakaraang buwan.
Talagang generous ang Global Fashion Icon sa mga ito at talagang pinahahalagahan niya ang mga ito.
Hindi nga raw makakalimutan ng mga ito ang party nila na talagang “a night to remember” daw.
Napaos nga sila sa tuwa kakasigaw sa napanalunan nila sa raffle.
Isa pa sa talagang napansin ng mga tagahanga niya ay ibang-iba na raw talaga si Heart ngayon sa bago niyang team at way better na raw talaga. Mas maganda na rin daw ang vlog niya ngayon kumpara noon kasama ang dating crew niya.
Bongga talaga. Ikaw na, Heart.
- Latest